Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza David Licauco

Barbie Forteza at David Licauco, may kakaibang pakilig  sa pelikulang That Kind of Love

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA sa TV ang loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco and ngayon pati sa mga sinehan ay makikita na rin ang pagpapakilig ng dalawa. Ito’y sa pamamagitan ng pelikulang That Kind of Love na hatid ng Pocket Media Productions Incorporated.

Dito’y gaganap si Barbie bilang si Mila, na isang kilalang dating coach and certified psychologist. Hahanapan niya rito ng magiging special someone ang mayamang businessman na si Adam (David). Pero ano’ng mangyayari kung ang love coach ang siyang ma-fall sa kanyang kliyente?

Teaser pa lang ng pelikulang ito ay marami na ang kinikilig. Pati ang casts nito at mga taga-media na present sa presscon nito ay iisa ang sinsabi, sadyang karagado sa pampakilig ang pelikulang That Kind of Love kaya dapat itong panoorin sa mga sinehan.

Kilala ang loveteam ng dalawa bilang BarDa at aminado silang mas komportable na silang katrabaho ang isa’t isa.

Kaya naman kabisado na raw nila ang bawa’t isa, na pati kiliti ng ka-partner ay kuha na nila.

Ipinahayag ni Barbie na ibang BarDa ang mapapanood sa pelikula kompara sa mga nagawa nilang teleserye sa GMA-7 gaya ng Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man.

Sambit ng aktres, “Dito, I would say na nag-level up talaga kami ni David in terms of sophistication ng acting, maturity. Iyong styling naman, ginawa nilang very close to K-drama.

“Even sa character, palagi kong sinasabi na ito ang pinaka-sophisticated role na ibinigay sa akin. Kahit iyong hitsura ko iniba namin. Pinadalaga namin. Also, nag-level up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito.

Dagdag niya, “Kami rin, in return, ini-level-up namin ang approach sa project na ito. Mas pampelikula, iyong hindi mo mapapanood sa TV, iyong worth it (na panoorin talaga sa sinehan).”

Public knowledge naman na boyfriend ni Barbie si Jack Roberto. Nang usisain si David na kung single si Barbie, posible raw kayang ma-in love siya sa dalaga?

Esplika ng aktor, “To be honest, Barbie is a girlfriend material. She is nice, beautiful and very kind. So to answer that question, yes! But of course, we are here as a loveteam and we just do our best para pakiligin ang aming fans as a loveteam.”

Nakangiting pahayag naman ni Barbie bilang pag-alalay sa ka-loveteam, “Alam po ninyo kung may higit na nakakikilala kay David ako po ‘yun, kasi ako ang madalas niyang nakakasama.

“He is a private person and as much as possible ayaw niyang pinag-uusapan ang personal niyang buhay kaya hayaan na lang po natin siya sa kanyang personal na buhay.”

Ang That Kind of Love ay mula sa pamamahala ni Direk Catherine ‘CC’ O. Camarillo at mula sa panulat ni  Ellis Catrina. Ito ay naging Spotlight entry at awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

Ito ay mula sa produksiyon ng Pocket Media Productions, Incorporated na naghatid ng “Chances Are, You and I,” na pinagbidahan nina Kelvin Miranda and Kira Balinger.

Tampok din sa That Kind of Love sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada.

Ang premiere night ng That Kind of Love ay sa July 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan sa July 10.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …