MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y sa pamamagitan ng QR code.
Kailangan lamang pumunta sa Smart Online Store (https://store1.smart.com.ph/view/2695/), para makuha ang TNT eSIM. Pwedeng via mobile o web browser. Kapag nakuha na ng subscriber ang kanyang TNT eSIM, kailangan lang i-scan ang nakalakip na QR code para mai-rehistro. Pagkatapos, maaari nang gamitin agad ang eSIM para makapag-internet, makatawag, magtext, at ma-enjoy ang mga serbisyong handog ng TNT na pinalakas ng award-winning na Smart mobile network.
Marami ring paraan para mabayaran ang mga inorder na eSIM. Pwedeng sa pamamagitan ng Maya, GCash, Spay, DragonPay at iba pa. Hindi na kailangan bayaran pa ng cash.
“Pinadali namin para sa mga TNT KaTropa ang paglipat nila sa eSIM, na idinisenyo para mas madaling magamit ang mga ino-offer naming digital na serbisyo. Ngayon na maaari ng maka-order ng eSIM sa digital na paraan, agad nilang matututunan ang paggamit ng teknolohiyang bigay ng eSIM sa pamamagitan ng pinakamalakas na Smart network,” sabi ni Lloyd R. Manaloto, Head ng Prepaid at Smart.
“Sa pamamagitan ng eSIM, walang kahirap-hirap para magpalit ang mga subscriber ng network, at hindi na kailangan pa ng pisikal na SIM card. Dahil dito, mas madali, simple, episyente, at palagi silang may mobile connectivity,” dugtong ni Jerome Y. Almirante, VP and Head of Innovations and Digital Services at Smart.
Mabibili ang TNT eSIM sa halagang Php89 lamang, at may kasama na itong libreng 21GB na data,10 minutong All-Net Calls at 100 All-Net text, para palaging nakakonek online ang mga subscriber at madalas pang makakausap ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.
Maaari ring ma-enjoy ng mga eSIM subscriber ang iba pang serbisyo ng TNT katulad ng kalulunsad na TNT TikTok Saya 50 promo, na may kasamang Unli TikTok at 3 GB open access data para sa mga popular na apps at sites. May offer din ang TNT na Unli Text sa lahat ng network na pwedeng magamit sa loob ng tatlong araw sa halagang P50 lamang.
Pwedeng gamitin ang eSIM sa anumang mobile device, mapa-Apple, Google, Huawei, Samsung at iba pang brand ng cellphone.
Dahil eSIM, ‘di na kailangan mangamba ang subscriber na masira, ‘di gaya kung may pisikal na SIM card.
At kahit nag-iisa lang ang SIM slot ng inyong device, mas-ma-e-enjoy ng subscriber ang pagkakaroon ng mas maraming linya ng komunikasyon gamit ang eSIM dahil pwede nilang palit-palitan ang kanilang mga SIM profile sa kanilang cellphone.
Ang TNT, na pinalakas ng Smart mobile network, ay ginawaran kamakailan bilang
Philippines’ Best 5G Coverage Experience ng independent network analytics ng Opensignal.