Sunday , December 22 2024
gun ban

Gunrunner tiklo sa pagbebenta ng baril

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation laban sa iligal na pag-iingat ng baril sa Floridablanca, Pampanga kahapon, Hunyo 19.

Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang suspek na si alyas “Elias”, 42-anyos, na naaresto ng magkasanib na operatiba ng Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Intelligence Unit 3 (RIU3), 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Floridablanca Municipal Police Station (MPS) habang nagbebenta ng mga iligal na baril sa Brgy. Bodega, Floridablanca, Pampanga.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .38 na revolver, isang shotgun, isang improvised .22 caliber long firearm, isang fatigue green holster, isang white sack na bala para sa shotgun, at .38 caliber revolver, tatlong tunay na Php 500 bill, at Php 1,000 bill boodle money.

Inihahanda na ngayon ang kaukulang kaso ng paglabag sa RA 10591 laban sa suspek para sa referral ng korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …