Saturday , December 21 2024
Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi ng TEAM sa ginawang Gift Giving and Feeding project ng grupo ng entertainment press sa Child Haus, na siya ang tumatayong guardian angel.

Pahayag ni Mader, “Alam n’yo mga anak, itong mga ate at kuya ninyo, silang lahat na mga taga-entertainment press ay matagal na matagal ko nang nakakasama, siguro 25 or 35 years ago. Dalaginding pa lang ako noon, nakakasama ko na sila. At ang nakatutuwa, ang dami-dami nilang dalang regalo para sa inyong lahat. Palakpakan natin sila!

“Ngayon naman, dinala ko rin ang aking new found friend at siya ay hulog ng langit, dahil napakabait na tao, napakasinsero, hindi ka magdadalawang salita. Tatawagin natin siyang si Ate Virgie. Siya ay nag-birthday last Sunday, ngayon sabi niya sa akin, ‘Mader, saan ka pupunta sa Linggo?’ Sabi ko, ‘Pupunta ako sa Child Haus.’ Tapos sabi niya, ‘Puwede ba akong magpaluto ng maraming pagkain para sa mga bata?’

Kaya ngayon mga anak, full packed ang pagkain natin, magdiriwang tayo nang husto.”

Pagpapatuloy na kuwento ni Mader Ricky, “Ang Child Haus po ay 21 years old na ngayon, magtu-twenty na po sa September. Ang Child Haus po is the first and only temporary home for children. Bukas po sa aking puso na sabihin sa inyo na ang Child Haus po ay nakapagbigay na ng buhay sa napakaraming tao. Ang tumira pong bata sa amin ay more than 20,000 children, coming all over the country.

“Pero out of the 20,000, ang nag-goodbye lang sa amin ay wala pang 500.

Kasi rito ay libre ang bahay, libre ang pagkain, dito kapag nagpapakain kami ng agahan, tanghalian, hapunan ay parang laging piyesta, sa rami ng mga taong pinapakain namin. But God is good that I don’t know where the food is coming from. Ang Child Haus po ay walang tulong galing sa gobyerno. Ito po ay tulong ng lahat ng pinakamababait na tao sa buong Filipinas. Imagine, for 20 years, araw-araw ay nagpapakain kami sa mga bata at kasama na rin po ang pag-aalaga sa mga bata.

“Ang nakatutuwa rito, darating sila na ang papayat, malnourished. Iyong iba ay tataningan ng tatlong buwan, apat na buwan. Pero lahat sila ay buhay. Kasi rito, tuloy-tuloy ang kain nila… meaning, kapag tuloy-tuloy ang kain, lalakas ang immune system. Paglakas ng immune system, tuloy-tuloy ang gamutan… So, nakasu-survive ang mga bata, nairaraos ang gamutan at gumagaling silang lahat. Hindi namin kilala po ang mga batang ito, kung saan-saang probinsiya sila nanggaling. No one is from Metro Manila, lahat sila ay galing sa probinsiya na nagpapagamot sa PGH, Jose Reyes, sa National Ortho, National Children’s, East Avenue, sa Heart Center at sa Philippine Children’s Medical Center. Sila ang mga hospital na ka-partner ng Child Haus, sila ang hospital na nanggagamot ng cancer.

“Kapag na-detect ng doctor na ang bata ay may cancer, gagamutin niya. Pero kapag nalaman na ang bata ay walang bahay at galing sa probinsiya, pinapa-assess sa mga social worker. Kapag sila ay nakitang indigent, binibigyan sila ng referral letter. Meaning kapag sinabi ng doctor na ang bata ay gagamutin nang dalawang taon. Ang bata ay titira sa amin ng dalawang taon, kasama ang nanay, pagkain, pang-diagnostic, libre ang lahat. Hindi kami sumisingil kahit singkong duling.

“Alam n’yo totoo ang kasabihang kung ano ang puno, siya ang bunga. Kaya natutuwa ako sa aking mga anak sa entertainment, siguro ‘yung nakita nila sa akin na ginagawa ko, kasama ko naman sila noon pa sa PCSO compound, noon pa magkakasama na tayo…Siguro kung ano ang nakita nila sa akin noon, eto ang ginagawa nila sa Child Haus, kayo na mismo ang nagbabalik. Hindi ko naman kayo kinumbida na pumunta rito, nalaman lang namin na pupunta kayo (TEAM), kaya nagpunta ako rito at isinama ko si Ate Virgie,” masayang pagbabahagi ni Mader Ricky.

Lubos na nagpapasalamat ang TEAM sa nagpadala ng suporta at sa mga nagpasaya sa mga nasa Child Haus last June 9, 2024. Tnx Manila Vice Mayor Yul Servo at Ultramine Lovely Nieto, Kuya Boy Abunda, Madam Baby F. Go, Sir Bryan Dy, Congresswoman Pammy Zamora, Mam Len Carrillo, Andrew E and wife Mylene, Roderick Paulate, Konse Alfred Vargas, Direk Eric Quizon, Jed Madela, Mam Cecille Bravo, Ms. Kuh Ledesma & Malo Cruz, Alma Concepcion, Patricia Javier, Emma Cordero, Zara Lopez, Christian Bautista, Teri Onor, Wilson Tieng, Dindo Fernandez & Elizabeth Oshiro, Ana Liza Reyes, Carmela Honrado, Mia Japson, Direk Chris Cahilig, DenYet Zaplan & Janah Zaplan, Beaver Magtalas, Mam Mimay and Nilo Guarte, Adjeng Buenaventura and her co-parents of LAI Parent Community, Angelika Santiago & Ms Bhing, Tine Areola of BaitLehem breads from Finkels, Richard Hiñola, Ms. Florita Brioso Santos and LA Santos, Ms. Imelda Papin, Angelica Jones Alarva, Kate Brios, Princess Revilla, Vehnee A. Saturno, Billy Jake Cortez, Yana Sonoda, Dom Villaruel, Marilyn De Castro Sison, Atty. Wowee Posadas, Joel Balason, Virgie Batalla Bermundo, Marianne Beatriz Bermundo – Little Miss Universe 2021 Super Grand Prix (Georgia) & Marcene Bernice Bermundo – Miss World Universe Kid International 2023 (Vietnam), Atty. Rey Bergado of InnerVoices, Ana Abiera Del Moral & Theresa Asis, Romy Lindain, Nick Vera Perez, Mojack, Vangie Ruiz, Hannah Mari and daddy Pol Castillo, Isabel Tique, Beth Carrasco Fabillaran & Laverne Gonzalez, Direk Romm Burlat, J Brothers, Mika & Kyle of Krazy-X, Kiko, Direk Emille Joson, Lea Bernabe, Grabador Tamayo Mark Ranel, Pipo Cifra, Kyle Molina, Jeri Jericho Violago, Sam Salva, Daeyamg Hidalgo Kim, at kina Mader Ricky Reyes, Daydee Tan Castillo, and Ms. Virginia Ledesma Rodriguez Queen Vi Rodriguez ng Act Agri-Kaagapay.

Muli ang aming taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …