Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cess Garcia

Cess ng Vivamax umaming bisexual, kinilig sa aktres na nagpakita ng kabaitan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPANG na umamin ang Vivamax actress na si Cess Garcia na isa siyang bisexual.

Tinanong kasi si Cess kung sino ang  Vivamax actor na pinapantasya niyang makapareha or kung may crush siyang male actor. Matagal na hindi nakasagot si Cess bago sinabing, “Wala, wala, wala talaga,” pakli niya.

“Wala po, kasi… sabihin ko ba?” ang tila kinakabahang reaksiyon pa ni Cess.

At ang nakabibiglang lahad niya, “Hindi po ako ganoon na naa-attract sa guy kasi I’m a bisexual. Bisexual ako pero siguro naa-attract lang ako sa kanya kapag sobrang caring niya, kapag nararamdaman ko na parang hindi siya katulad ng mga, basta iyon na ‘yun.

At umamin siya na may Vivamax actress na attracted siya.

“Nahihiya ako kasi nakasama ko na siya sa isang movie.

“Hindi ko na lang sasabihin ‘yung name basta na-attract ako sa kanya kasi sobrang bait niya and that time kasi na nasa shoot kami wala akong dalang chair, then kinabukasan dinalhan niya ako.

“Wala, parang, kinilig ako that time,” say pa ni Cess na bida sa Linya ng Vivamax.

Sa direksiyon ni Carlo Alvarez na mala-Vivamax actor ang datingan, nasa Linya rin sina Sheila Snow, VJ Vera, Chester Grecia, at ang mahal naming si Anthony Davao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …