Sunday , December 22 2024
Ces Quesada Martin del Rosario

Tiyang Ces ibinuking hilig ni Martin bago pa man mag-artista

RATED R
ni Rommel Gonzales

HAPPY and proud ang veteran actress na si Ces Quesada sa mga achievement ng pamangkin niyang si Martin del Rosario sa showbiz bilang artista.

Ay, oo,” bulalas ni Tiyang Ces (tawag namin sa aktres). Ito ang sinasabi ko, noong nagpaalam iyan sa amin, nag-family council kami kung puwede siyang mag-artista, ako ‘yung ayaw.

“Sila ang may gusto, ako ayaw na ayaw ko. Kasi dati gusto niyang maging doktor, kaya lagi naming regalo sa kanya, regalo ko sa kanya parang… body parts, anatomy book, kasi iyon ang gusto niyan, gusto niyang maging doktor.

“Aba’y nabigla na lang ako biglang gusto raw niyang mag-try ng artista! So to make the long story short, noong pinayagan siya ng mama niya, pinayagan siya ng papa niya, eh, sino ba naman ako? Eh, ako ay tiyahin although parang anak ko na rin dahil lumaki rin naman sa akin ‘yan for a time, every weekend nasa akin dahil hinihiram ko dahil only child ‘yung anak ko.

“Sabi ko ang bilin ko lang sa kanya, sabi ko, ‘Anak ayoko na may maririnig akong masama, magrereklamo ang mga production staff, ang mga artista at direktor mo dahil unprofessional ka.’

Sabi ko, ‘Sa tinatagal-tagal ko sa industriya iyan ang naging pamantayan ko. Basta ang trabaho mamahalin dahil ‘pag narinig ko na may ganoon ka, ay hindi ko palalampasin, makakarinig ka sa akin. Hindi kita pakikialaman pero kapag ganoon eh siyempre makakarinig ka sa akin ng, hindi tama iyan.’

“‘Di ba? Masaya ako dahil na-prove niya na mali ako, na lahat ng naririnig ko sa staff, sa lahat ng artista, ‘Tita Ces ang bait-bait ni Martin, ang galing-galing niya!’

“All positive reviews kaya naman sabi ko nga talagang proud ako at siguro talagang nararapat lamang siya na maging part ng industry kasi mahal niya ‘yung trabaho niya.

“At nagtatrabaho talaga ang bata.”

Sa ngayon nga ay sabay na napapanood si Martin sa dalawang Kapuso shows, ang Asawa Ng Asawa Ko at sa Voltes V: Legacy na muling ipinalabas ng GMA.  

Si Tiyang Ces naman, na parte ng Artist Circle Management ng talent manager na si Rams David, ay nasa TV5 at kasali sa cast ng Padyak Princess ni Miles Ocampo.

Ang mga word of wisdom niya kay Martin ay pareho rin ng words of wisdom ni Lola Lucing na siyang papel ni Ces sa bagong serye.

Oh, yes,” bulalas ni Ces. “Mabait akong lola rito at  saka very, very light lang, ‘pag kinakailangang sabihan ka, sasabihan ka pero hindi siya mataray.”

Ang Padyak Princess ng TV5 ay napapanood 11:15 a.m. bago ang Eat Bulaga! sa TV5 at sa BuKo channel, 7:30 p.m..

Nasa cast din sina Ara Mina, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …