Sunday , December 22 2024
Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED R
ni Rommel Gonzales

TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan (June 12) sa iba’t ibang regions sa bansa dahil pupunta ang ilang Kapuso stars para makiisa sa selebrasyon at maghatid ng ‘di-matatawarang entertainment. Ilan sa mga ito ang bida sa upcoming primetime series na Pulang Arawna sina Barbie Forteza, Sanya Lopez,  David Licauco, Alden Richards, at Dennis Trillo.

Sa bandang Norte ang tungo nina  Dennis, Ashley Ortega, at Mariane Osabel dahil makikiisa sila sa Independence Day Celebration ng mga Tarlaqueño sa Tarlac City Plazuela, Tarlac City, 7:00 a.m..

Tutungo namang Batangas sina Sanya Lopez at John Rex para maki-join sa Flag Raising Ceremony sa Batangas Provincial Capitol, Batangas City, 7:00 a.m..

Good news naman sa mga Kapusong Dabawenyo dahil makakasama nila si Alden sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na idaraos sa Rizal Park, Davao City, 7:00 a.m.. Sa hapon naman, matutunghayan nila ang mga nakakikilig na sorpresang inihanda ni Alden para sa Kapuso Fans Day sa Atrium, Gaisano Mall of Toril, Davao City, 4:00 p.m..

Lilipad naman pa-Cebu sina David at Barbie para sa Independence Day Celebration sa Presidencia, Mandaue City, 7:00 a.m.. Itutuloy ng BarDa ang fun-filled bonding kasama ang mga Cebuano via a Kapuso Fans Day sa Event Center, SM City Cebu, Cebu City, 3:00 p.m..

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …