Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPAT
ni Mat Vicencio

WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri sa kanyang puwesto bilang pangulo ng Senado kundi ang kanyang sarili lamang.

Malinaw ang sinabi ni Migz… “I have always supported your independence, which is probably why I face my demise today. I failed to follow instructions from the powers that be, as simple as that.”

O, di ba? Inamin na mismo ni Migz ang kanyang pagkakamali at dapat lang patalsikin dahil hindi lang matigas ang ulo kundi lumalabas na direktang sinopla niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Hindi sumunod si Migz sa ipinag-utos ng mga nasa ‘kapangyarihan’ kaya dapat lang at makatuwiran na isagawa ang kudeta at kunin ang liderato ng Senado kapalit ni Senator Chiz Escudero.

Kung tutuusin, napakalaki ng kasalanan ni Migz dahil hinayaan lang niyang magtuloy-tuloy ang Senate hearing sa “PDEA leaks” kahit alam naman niyang si Bongbong ang iniuugnay nito sa usapin na ipinagbabawal na gamot.

Hindi rin dapat sinasabi ni Migz ang salitang “independence” sa Senado dahil sa simula’t sapol silip at abot ng mga senador ang impluwensiya at kapangyarihan ng isang pangulo sa mga galawan sa lehislatura.

At hindi man aminin ni Bongbong na kamay niya ang gumalaw para masibak si Migz, hindi maipagkakaila na tanging basbas lang ng pangulo ang makapaglulunsad ng isang kudeta sa Senado.

Hay naku, nasaan na nga ba ang IQ sa politika ni Migz?

Sa ginawang pagkunsinti ni Migz sa “PDEA leaks” hearing ni Senator Bato dela Rosa, halatang higit na mas pinapaboran ng senador ang kampo ni dating Pangulong Digong Duterte kay Bongbong.

Apat na sunod-sunod na hearing at wala man lamang ginawang kongkretong aksiyon si Migz para tuluyang pigilin si Bato sa pagdinig ng “PDEA leaks” na nagresulta ng matinding pagkakabulabog sa administrasyon ni Bongbong.

Lumalabas tuloy na ‘naiwan sa ere’ si Migz at mukhang napabayaan ng kanyang mga poilitical advisers at media group sa panahong kailangang-kailangan niya ng tulong at gabay dahil sa komplikado at magulong politika sa Senado.

Bawi na lang si Migz, at kung nasibak man siya sa kanyang puwesto, dapat sibakin din niya ang kanyang mga political advisers at media group na walang pakinabang at naghihintay lang ng suweldo. Layas! Resign!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …