RATED R
ni Rommel Gonzales
NOVEMBER 10, 2023 nang ihayag ni Arci Munoz via her social media account na nanakawan siya ng credit card sa loob ng isang business class plane habang naka-layover ang eroplanong sinasakyan niya sa Incheon International Airport sa South Korea matapos magbakasyon sa Japan.
Kalahating milyon ang nawaldas ng magnanakaw mula sa credit card ni Arci.
Tinanong namin ang aktres kung iyong perang nanakaw sa debit card ay naibalik sa kanya ng banko?
“No,” ang mabilis na sambit ni Arci.
Ano ang rason na ibinigay sa kanya ng naturang banko?
“Kasi raw po it’s my card so it’s my responsibility.
“But also noong sumulat po uli ako sa kanila for the second time, sinabi ko na that debit card has a PIN, so how come… kasi when I’m using it when I’m abroad po, they always ask for a PIN, so how come… it’s also your negligence, because it should…sa isang araw nasa dalawang bansa?”
Naipambili ang debit card ni Arci ng brand new iPhone at diamonds/alahas sa Vietnam at Indonesia sa loob lamang ng isang araw.
“So it’s probably their modus na talaga, they really fly para makabiktima, in less than 24 hours they were in Vietnam and Jakarta at the same time using my card, nagsa-shopping.
“Sabi ko every time I leave and I use the card abroad, so how come na nagamit niya ‘yung card ko without a PIN, so I can’t …ang hirap din po kasi to approach the bank, so parang sabi ko, ‘Ah so ganoon na lang ‘yun?’
“So, like right now I withdrew all my money and moved it to another bank.
“Grabe, kasi po ilang beses ko na rin kinulit eh, parang ayoko ng umabot pa kung saan-saan, sabi ko aalis na lang ako, sabi ko, ‘Wala kayong magawa? Okay.’
“So I withdrew all my money there and inilipat ko sa mas madaling kausap na banko.
“Inilipat ko po talaga, sabi ko, ‘Kung hindi niyo ako matulungan…’
“Sabi ko, ‘Iyang bagay nga na ‘yan ‘di ba, hindi niyo nga masagot eh, kung bakit nagagamit niya (magnanakaw) abroad?’
“Eh ako hindi ko nagagamit iyon, ‘pag ‘yung debit, mahirap gamitin ‘yun eh, more than a credit card, debit ‘yung nakuha.
“Tapos sinend ko lahat ng information, ‘yung passport, na nandito ako, that it was a stolen card, but they couldn’t do anything, sabi ko, ‘Ah okay’. Twice, thrice, ang tagal pang sumagot ng mga ‘yan, they’re really taking their time, so sabi ko okay.”
Kapag na-meet ba ni Arci ‘yung nagnakaw ng debit card niya ay isa-suggest niya rito na mangutang na lang sa JuanHand kaysa nakawan siyang muli?
Si Arci ang celebrity endorser ng JuanHand, isang kompanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.
“Oo noh,” ang tumatawang reaksiyon ni Arci sa biro namin. “Oo naman! All the time!
“Ilang beses na rin po akong nanakawan. Kaysa makagawa sila ng masama, mangutang na lang sila sa Juan Hand.”
Madali kasing makautang dito at less ang processing ng mga dokumento.
Samantala, present sa contract signing ni Arci sina Brian Badilla (JuanHand Branding Head), Coco Mauricio (JuanHand President and CEO), at Mark Tubello (JuanHand Senior External Affairs Officer).