Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Christine Axel

Pagbawi ng apology ni Vice sa usaping Christine-Axel lumala pa

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

IMMEDIATELY after palang bawiin ni Vice Ganda ang kanyang apology sa isang male searchee (Axel) ng Expecially For You, agad ding naglabas ng panibagong version ang female searcher na si Christine.

Umiiyak ito at habang kausap ang umano’y isang staff ng It’s Showtime, sinasabi nitong pinagmukha siyang sinungaling ng show.

Nauna na kasing nagbigay ng pahayag ‘yung Christine na nagtatanggol sa na-bash na si Axl matapos nga itong i-call-out nina Vice sa show sa akusasyong puwede itong kasuhan o mademanda dahil sa tangkang pagnakaw umano ng halik kay Christine without her consent.

Ayon nga sa paliwanag ng parehong searchee at searcher, hindi lang masyadong naklaro ang tinatawag nilang “bro hug” kaya’t ‘yung reaksiyon na tila uncomfortable si girl ang mas nakita nina Vice at iba pang hosts.

Sa pagbawi nga ng apology nina Vice and co-hosts, imbes na matapos na ang isyu ay tila nagbunga pa ito ng mas malalang epekto.

Marami ang na-disappoint kay Vice at sa mga sinasabing executives ng show gaya ng Psychologists at iba pa.

May mga bumawi na rin ng paghanga nila sa napaunang act ni Vice dahil nga sa kanilang pananaw ay tila may kung anong ‘imahe o anggulo’ ng kuwento na nais protektahan umano ang It’s Showtime.

May mga naglalabas pa ng mga previous portion na mismong si Vice Ganda ang hindi nakakapagpigil magtangkang ‘humalik o yumakap’ sa male contestant na guwapo o natitipuhan nito on national television.

Ano nga raw ba ang ipinagkaiba nito kung reaksiyon at pagiging hindi komportable ang pag-uusapan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …