Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV5 Kapatid, Manood at Manalo

Mahigit P1M na papremyo ipamimigay ng TV5 Sa Kapatid, Manood at Manalo!

MAS kapana-panabik na ang panonood ng TV5 primetime dahil maaaring manalo ng mahigit P1-M worth of total prizes sa Kapatid, Manood at Manalo! promo simula Hunyo 10-19, 2024.

Kailangan lang tumutok sa TodoMax Primetime Singko gabi-gabi 5:30 p.m.-10:15p.m. at bilangin ang mga pulang bola na lalabas sa kanang-itaas ng screen. 

I-send ang sagot sa official Facebook Messenger account ng TV5 kasama ang full name, residential address, email address, at phone number.

Lahat ng tamang entries ay pasok sa daily raffle na isang lucky winner ang iaanunsiyo sa primetime commercial breaks kinabukasan. Ang mga ‘di pinalad sa daily raffle ay may pagkakataon pa ring manalo sa weekly draw tuwing Lunes. At lahat ng non-winning entries mula sa daily at weekly draws ay makapapasok pa rin sa grand draw, na ilalabas ang mga mananalo isang linggo matapos ang promo.

Napakalaking premyo ang naghihintay! P5,000 bawat araw para sa daily winners, P50, 000 para sa weekly winners, at P500,000 sa grand draw. Marami ring Sulit TV boxes mula sa TV5 ang ipamimigay.

Sulit na sulit ang panonood ng TV5 gabi-gabi. Kaya huwag palampasin ang pagkakataon na maging susunod na big winner sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga pulang bola habang nanonood ng paborito mong shows sa TV5. Manatiling nakatutok at manalo simula ngayong Hunyo 10 sa TodoMax Primetime Singko ng TV5 mula 5:30 p.m. hanggang 10:15 p.m.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kapatid, Manood at Manalo! promo, i-follow ang official social media pages ng TV5 at basahin ang buong mechanics sa tv5.com.ph/kmm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …