Tuesday , June 18 2024
Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16
DUMALO sina GoldenEast Ads Promo and Events na pinamumunuan ni coach Darren Evangelista,(kaliwa) at tournament director Jojo Manaloto, head coach ng Emilio Aquinaldo College-Cavite na sumasabak sa NCAA-South,sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes ng umaga sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Inorganisa ng GoldenEast Ads Promo and Events na pinamumunuan ni coach Darren Evangelista, kabuang 450 atleta mula sa 34-swimming club ang sasabak sa kompetisyon na naglalayong palakasin ang grassroots program sa bansa.

Para sa Kabataang (babae at lalaki) na may edad 17-pababa ang maglalaban sa torneo na hahatiin sa tatlong kategorya – ang class A, B, C.

May ispesyal na kategorya (Open) sa 50m freestyle para sa elite swimmers na maglalaban sa winner-take-all Battle Royale kung saan nakalaan ang P5,000 premyo para sa gold medalist.

“Marami pa ang gustong sumali, pero nilimit lang namin sa 450 para mapabilis din ang kompetisyon. Aside from nurturing our young swimmers, fund-raising din ang ating event. The proceeds from this event will go to our Aetas brother in Pampanga and Zambales,’ pahayag ni Evagelista, NCAA swimming coach champion sa Perpetual Help, sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.

“Hindi namin ito magagawa kundi sa suporta rin ng ating mga kaibigan mula sa Unilab, Ying Fa Pilipinas at sa  SOLID (Sports Organization Learning Institute for Sports, Inc.),” sambit Evagelista.

Kasama niya sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat, si tournament director Jojo Manaloto, head coach ng Emilio Aquinaldo College-Cavite na sumasabak sa NCAA-South.

“Masaya kami dahil bukod sa naiaangat natin ang sports na swimming, nakatutulong pa tayo para maiangat ang katayuan ng ating mga kapatid na Aeta. Tulad ng iba pang indigenous people, kailangan nila ang pagkalinga at suporta para makaalpas sa kahirapan,” pahayag ni Manaloto na halos dalawang dekada na nanilbihan sa ibang bansa bilang swimming coach at Life Guard.

“Actually, matagal na naming ginagawa ang pagtulon sa mga Aetas. Gumawa ako ng swimming clinics at tinuruan ko ang mga Aetas. Ngayon, mula sa pagtatanim na kamote karamihan sa kanila nasa abroad na rin at nagtatrabho na Life Guard,’ sambit ni Manaloto.

Hinikayat ni Manaloto ang iba pang event at sports organizers na isama sa kanilang programa ang pagtulong sa mga mahihirap na kababayab kabilang na ang Indigenous people.

‘Tunay na mahirap silang ialis sa nakasanayan nilang pamumuhay, pero marami na rin sa ating mga IP ang naghahanap ng pagbabago sa kanilang sarili at buhay,” aniya.

Ayon kay Evangelista may nauna na siyang pakikipag-usap kay PSC Commissioner Fritz Gaston upang mapalawak ng ahensiya ang programa sa IP. Ang dating basketball star ang nakatoka sa IP Games ng ahensiya.

Binanggit din ni Evanglista na naglaan sila ng makabuluhang kagamitan tulad ng Jordan shoes at 45 inch, TV set bilang premyo sa raffle draw ng mga kalahok na coaches at swimmers. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

philracom

2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day 

MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes …

Daniel Maravilla Quizon Chess

FIDE World Junior Chess Championships  
QUIZON NAKISALO SA IKA-2 PUWESTO

Individual Standing After Round 10: 8.0 points — GM Mamikon Gharibyan (Armenia) 7.5 points — …

Elma Muros-Posadas TOPS PATAFA

Elma Muros-Posadas pinuna ang ‘bata-bata’ system sa PATAFA

HINILING ni athletics icon Elma Muros-Posadas sa pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association …

Tolentino ROTC Games

Mga atletang kadete ng Philippine Army una sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024

NANGUNA ang mga atletang kadete mula sa Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng Philippine …

Jirah Floravie Cutiyog Chess

Jirah Floravie Cutiyog nagreyna sa 2024 National Age Group Chess Championships U-16 Girls Elimination FIDE Standard tilt

Dumaguete City — Nagkampeon si Jirah Floravie Cutiyog sa 2024 National Age Group Chess Championships …