Sunday , December 22 2024
road traffic accident

Kindergarten pupil patay sa 22-wheeler truck

PATAY ang isang batang lalaki matapos matagis ng isang rumaragasang truck sa kahabaan ng lansangan sa Brgy. Cupang, Pandi, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Matthew Verano, 6 anyos, kindergarten pupil at naninirahan sa  Pine Tree St., Purok 4, Brgy. Cupang.

Inaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi Municipal Police Station (MPS) ang driverng nakasagasang truck, kinilalang si  Jaypee Sanchez, 27 anyos, may live-in partner, residente sa Purok 1, Bobon, Lungsod ng Butuan, Agusan Del Norte.

Sa inisyal na ulat, dakong 11:10 am, sasakay ang biktima sa kanilang tricycle na nakaparada sa tabi ng kalsada, nang matagis ng dumarating na 22-wheeler Isuzu truck, may plakang NFS 6402 na minamaneho ng suspek.

Agad namatay ang biktima at hindi na nadala sa ospital.

Nakaburol na ang labi ng bata sa kanilang tahanan sa Brgy. Cupang habang inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa sa korte laban sa suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …