Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino Glenda Dela Cruz

Kim sweet melon paglalarawan kay Paulo

ni Allan Sancon

BONGGA ang katatapos na launching ng bagong product ng Brilliant Skin Essentials na inilunsad si Kim Chiu bilang endorser ng kanilang beauty drink na Hello Melo, isang collagen powder drink na lasang melon.

Sa pagpasok ni Kim sa stage ay isinayaw n’ya ang jingle ng produkto at nakipagsayaw pa ang CEO na si Miss Glenda Dela Cruz.

Bukod kay Kim  ay dumalo rin para mag-perform sina Arci Muñoz at Paulo Avelino na pareho ring endorser ng Brilliant Medical Group. 

Sa press conference matapos ang launching ay natanong ng ilang press si Kim.

How brilliant is Kim Chiu now in handling all stragles in life?

“Siguro dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na kapag may pinagdaraanan kami, ay dadaanan mo lang talaga, kasi wala namang ibang tutulong sa ‘yo kundi ‘yung sarili mo. Halimbawa may problema ka financially eh ‘di magtrabaho ka. ‘Pag may problema ka emotionally eh ‘di i-work-out mo, sumayaw ka, gawin mo kung anong gusto mong gawin. 

‘Kapag wala kang makausap andyan ‘yung mga kapatid mo, mga kaibigan mo. Lahat naman ng struggles ay nagagawan ng paraan. Huwag lang talaga tayo titigil kung mayroon tayong problema kasi wala talagang mangyayari sa ‘yo kung hihinto ang mundo mo roon.”

Natanong din si Kim kung mayroon siyang gustong patikimin ng bagong Hello Melo beauty drink ng Brilliant Skin Essentials, sino iyon? Nagtilian ang lahat nang banggitin niya si Paulo.

Trending lasi sa social media ang KimPau dahil sa teleserye nilang dalawa na What’s Wrong With Secretary Kim? ay natanong ng inyong  lingkod ang aktres ukol sa produkto na kung isang melon si Paulo anong klaseng iyon?

“Mayroon bang iba’t ibang klaseng melon? 

Sagot naman ni Miss Glenda bilang tulong sa sagot ni Kim, “Mayroon kasing locally made, mayroon ding made in Japan.”

“Siguro dahil hindi naman siya ipinanganak sa Japan, siguro locally made s’ya. At saka para namang halos lahat ng melon ay matamis. Siguro sweet na rin,” pahabol na sagot ni Kim.

Bagay talaga kay Kim ang endorsement na ito dahil bukod sa pagiging beautiful nito  inside and out ay napaka-enthusiastic ng kanyang character na bagay na bagay bilang brand ambassador ng Hello Melo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …