Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Sa patuloy na kampanya kontra krimen sa Bulacan 8 law violators nasakote

INARESTO ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Police office (PPO) ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at limang pinaghahanap ng batas sa isinagawang anti-crime drive operations sa lalawigan nitong Linggo ng umaga, 2 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek sa droga sa ikinasang drug sting operation ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag, San Miguel, at Pulilan C/MPS.

Nakompiska muka sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang malaking plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang malaking transparent plastic na naglalaman ng maliit na bloke ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, at buybust money.

Samantala, nadakip ang limang puganteng wanted sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa manhunt operation na inilatag ng tracker team mula sa San Jose Del Monte at Baliwag CPS, Hagonoy, Marilao, at San Miguel MPS.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting station ang mga naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay P/Col. Arnedo, hindi natitinag ang Bulacan PPO sa kanilang pangakong labanan ang kriminalidad at panatilihin ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan na makikita sa pinaigting na operasyon, isang patunay ng dedikasyon at pagiging epektibo ng pagpapatupad ng batas sa pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad ng ilegal na droga. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …