Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

2 gunrunner tiklo sa Oplan Panlalansag Omega

DALAWANG pinaghihinalaang gunrunner ang dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa Brgy. Pulung Maragul, lungsod ng Angeles City, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng hapon, 1 Hunyo.

Sa ilalim ng direktiba ni Chief PNP P/Gen. Rommel Francisco Marbil, inilunsad ang maigting na kampanya laban sa loose firearms o OPLAN Paglalansag Omega.

Kinilala ni P/MGen. Leo Francisco, CIDG director, ang mga naarestong suspek na sina alyas May, 41 anyos, residente sa Sta. Rosa, Laguna; at alyas Jay, 33 anyos, residente sa Sampaloc, Manila.

Ikinasa ang buybust operation ng mga operatiba ng CIDG Angeles CFU kasama ang CIT-Angeles RIU3, PS-3 ACPO at CMFC ACPO laban sa mga suspek na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril sa pamamagitan ng isang poseur buyer.

Nakompiska sa operasyon ang isang unit ng Cal. 5.56 rifle; isang pirasong magazine assembly para sa 5.56 cal; isang unit ng Cal.5.56 rifle; isang pirasong magazine assembly para sa 5.56 cal; dalawang pirasong kulay itim na rifle bag; isang pirasong cellphone Samsung Flip; isang pirasong genuine P1,000 bill na ginamit bilang marked money; 289 pirasong boodle money; at isang unit na kulay berdeng Mazda, may plakang WLR837.

Dinala ang mga naarestong suspek at ang mga piraso ng ebidensiya sa CIDG Angeles CFU habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng naaangkop na mga kaso sa Angeles City Prosecutors Office.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 32 ng RA  10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …