Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Baby Go Thai Relax Massage

Award-winning actor na si Allen Dizon, bininyagan Thai Relax Massage ni Baby Go

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PRESENT ang award-winning actor na si Allen Dizon sa opening ng Thai Relax Massage ng BG Productions International Inc. lady boss na si Baby Go last Monday. Dito’y nagpa-maasage ang aktor.

Kaya masasabing bininyagan ni Allen ang bagong massage business ni Ms. Baby. 

Nagpunta roon si Allen para sumuporta kay Ms. Baby, na ang maraming movies na iprinodyus ay pinagbidahan ng aktor. Sumaglit muna si Allen nang nag-break sila sa taping ng teleseryeng Abot Kamay na Pangarap ng GMA-7.

Sakto rin ito para subukan nga niya ang Thai Relax Massage, dahil ayon kay Allen, ito ang kanyang stress reliever lalo na sa mga magdamagang taping or shooting.

Pahayag ni Allen sa mga taga-media na present dito, “Ang taping sa Abot Kamay ay magdamagan iyon, e. Tapos may mga movies pa tayong ginagawa. Kaya everytime na may chance na magpahinga ay hindi na tayo nakakagala.

“I make it a point na magpahinga na lang and magpa-massage. Siyempre, pagod tayo sa trabaho kaya kailangang bigyan natin ng time ang sarili.

“Kaya sakto nga itong Thai Massage ni Mam Baby dahil at least dito na ako magpapahinga kapag may break sa shooting o taping.”

Anyway, nabanggit din ni Allen na extended ulit ang Abot Kamay… hanggang September.

Ayon naman kay Ms. Baby, binuksan niya ang business na ito para makatulong sa mga therapist na nawalan ng trabaho. At para rin sa mga taong gustong mag-relax at maalis ang pananakit ng katawan.

Plus, ito’y may mabuting naitutulong sa mga indibidwal na suki sa mga ganitong establishments.

“Ang tunay na kayamanan ay ang kalusugan,” sambit ni Ms. Baby bilang paalala kung gaano kahalaga ang kalusugan ng bawat isa.

Malapit nga sa puso ng lady producer ang business na pinasok niya at ito’y inaalay niya sa kanyang beloved family.

Aniya, “My family has always been my source of strength and inspiration. This spa is not just a business, it’s a testament to my commitment to their well-being and to the well-being of others.”

Esplika pa ni Ms. Baby, “Sa bawat paghaplos ng mga kamay ng masahista, parang binibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magpahinga at makabawi ng lakas para may panlaban sa mga nakalinya pang mga trabaho.”

Bukod kay Allen, sumuporta rin dito sina Dennis Evangelista, Kate Brios, Aida Patana, Liz Alindogan, Claire Ann Esteban, Romeo Lindain, and Atty. Alfredo F. Bayan, DILG Undersecretary for Mindanao Affairs and Special Concerns.

Present din dito sina Marylou “Renz” Marcelo, Founding Chairman of Maharlikans Fraternal & Sororal (Order of Tigers) Tigers of Asia, Elma B. Tan, the First Sororal National President of Maharlikans Lady Tiger, Lakam Bess P. Guido, Secretary General of Maharlikans Lady Tiger, and Lakan Marlon Santos, Secretary General of Maharlikans Tiger, businesswoman Aimee Ella, press friends, and many other friends from showbiz and the business community.

Nandoon din si Atty. Topacio, along with his artist Jesy Vidal and Nathz at Louie Gamboa ng Erase Placenta, plus Dennis Arce.

Sina Atty. Topacio at Ms. Baby ay nakatakdang mag-collaborate sa upcoming movie titled “One Dinner A Week.”

Ang Thai Relax Massage ay located sa 2nd Floor ng Micmar Bldg., Parkwood Green Executive Village, Market Avenue, Pasig City.

Maaaring mag-book ng appointment at tumawag sa 09760064670.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …