HINDI nakapagpigil si Anne Curtis na maghayag ng saloobin sa inilabas na resulta ng botohan sa usaping Divorce Bill.
Si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang nagsapubliko sa inisyal na survey at lumalabas na ang mga sumang-ayon sa divorce bill ay sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Robin Padilla, Sen. Grace Poe, Sen. Imee Marcos, at Sen. Pia Cayetano.
Ang mga hindi naman sumang-ayon ay sina Senate President Chiz Escudero, Sen. Francis Tolentino, Sen. Joel Villanueva, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at maging si Sen. Jinggoy Estrada.
Nag-“no” rin sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Sen. Cynthia Villar.
“Siyempre nagulat ako sa kanila. Pero ako po, alam naman ng lahat I have a very happy family life, so I’m not in favor of divorce,” katwiran ni Sen. Cynthia.
“Konserbatibo akong mambabatas. Kung ‘ika nga sa Amerika Republican ako, so pro-family. I frown on any bills that will separate our families.
“Ayaw po nating maging katulad ng mga Las Vegas weddings na bigla na lang mag-asawa tayo ngayon tapos kung ayaw natin hiwalay tayo sa susunod na buwan,” esplika naman ni Sen. Zubiri.
“Hindi dapat tama ‘yun. I think we should study it to make sure na hindi po tayo magiging katulad ng ibang bansa na very dysfunctional ang family,” sabi pa ng senador.
Ini-repost ni Anne sa kanyang X account ang artcard na inilabas sa isang pahayagan at nilagyan ng caption na, “Puro lalake ung nag No.”
May 22, 2024, pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill matapos bumoto ng “sang-ayon” ang 126 mambabatas, habang 109 ang “nag-hindi” at 20 naman ang nag-abstain.
Pending pa sa ikalawang pagdinig ang Senate version ng Divorce bill.