ARESTADO ang tatlong hinihanalang tulak ng ilegal na droga at isang isang ilegal na nag-iingat ng baril sa patuloy na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Huwebes, 30 Mayo.
Sa magkahiwalay na buybust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas at Angat MPS, nadakip ang tatlong pinaniniwalaang mangangalakal ng ilegal na droga.
Nasamsam mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.
Samantala, nagresponde sa isang tawag sa telepono ang mga tauhan ng Marilao MPS na isang lalaki ang inireklamo ng pananakot.
Sa pagresponde sa tinukoy na lugar, nahulihan ang isang 20-anyos lalaki ng isang kalibre .38 revolver pero nang beripikahin ay hindi siya makapagbigay ng kaukulang dokumento para sa baril dahilan upang siya ay tuluyanhg arestohin.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 oIllegal Possession of Firearm ang suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting unit ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Kinompirma ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga naturang operasyon at pag-aresto kasunod ng pagtiyak sa kaligtasan ng publiko sa lalawigan na makikita sa pinaigting na operasyon ng pulisya. (MICKA BAUTISTA)