PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AT dahil nobyo nga ni Yassi Pressman ang gobernador ng Cam. Sur at kapatid ng una si Issa Pressman, marami ang nag-wan-plus-wan sa naging presence ni James Reid sa nasabing festival.
Mabilis mag-isip ang mga netizen sa pag-aakusang kaya lang naka-raket doon si James ay dahil kay Issa na marahil ay ipinakiusap nga sa Gov. thru Yassi.
Hindi na nga raw kasi gaya ng dati na napakainit kung umapir itong si James sa mga fiesta and events.
Itinaon pa raw na naglabas din si James ng bagong kanta na Hurt Me Too, na flopsina din umano ang naging pagtanggap ng madla.