PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GRABE ang naging reaksiyon ng mga nakasaksi sa torrid kissing scene nina Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte at Yassi Pressman sa Kaogma Festival kamakailan.
Para nga raw silang nakapanood ng sine sa pangyayari.
Marami ang kinilig lalo na ‘yung madalas masaksihan ang loving-loving ng dalawa since last year pa.
May mga nagsasabi namang parang uncalled for para sa isang lider ng probinsiya ang ganoong mga gawain.
Sana nga lang daw ay seryosohin ang ganapan ng dalawa at hindi naka-status quo sa political career ni Luigi.