ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAPALUNAN ni Alfred Vargas ang kanyang unang FAMAS Best Actor award last Sunday sa ginanap na 72nd FAMAS awards, ka-tie niya rito si Piolo Pascual ng pelikulang Mallari.
Ang award-winning performance ni Alfred ay via the movie Pieta, na pawang bigatin sa acting ang co-stars niya. Kabilang dito ang National Artist para sa Film and Broadcast Arts na si Ms. Nora Aunor, Jaclyn Jose, Gina Alajar, at iba pa.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ng Konsehal ng QC ang mga taong nakatulong sa kanya at naging bahagi ng kanyang showbiz career.
Pahayag ni Alfred, “Nandito po ako kasi ako ay Filipino at mahal ko ang bansang Filipinas. At mahal na mahal ko ang pelikulang Filipino at hanggang sa huling araw ng buhay ko, pangarap ko na ito ang ginagawa ko dahil ito ang first love ko.
“Inaalay ko ang award na ito sa Panginoong Diyos, sa aking pamilya, sa aking asawang si Yasmine at sa aking apat na anak, lalo na sa aking only boy na si Cristiano.
“Nagpapasalamat ako kay Direk Adolf Alix for putting-up this very humble film at saka kay Jerry Gracio na nominated din. Imagine po ninyo napagsama-sama po nila sina Nora Aunor, Gina Alajar at saka po si Jaclyn Jose… Nagpapasalamat din po ako sa kanilang tatlo, dahil dream come true po na makagawa ng pelikula kasama po sila.
“Inaalay ko rin po ito kay Ms. Jaclyn Jose na if I’m correct, ito (Pieta) po yata ang huli niyang pelikula. At doon po sa big scene namin na magkakasama po kami nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, Gina Alajar, nag-uusap kami ni Ms. Jane (Jaclyn) sa tabi, tapos doon niya ako… ang dami ko pong natutunan sa kanila, Ms. Jane para rin po sa inyo ito.
“Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng mga nagtiwala sa akin through the years, from my Tanghalang Ateneo days, tapos sa aking ABS CBN talent Center- Mr. M, Mam Charo, Mam Malou, and Direk Rory Quintos, doon ako nag-umpisa sa Pangako sa ‘Yo, hanggang sa Seiko Films’ boss Robbie Tan, at sa aking manager na si Nanay Lolit Solis, Thank you very much Nanay Lolit, para sa iyo rin ito.
“And thank you rin sa GMA-7, Sir Felipe Gozon, Mam Lilybeth Rasonable… at ito, gusto ko lang ialay din ito sa lahat ng mga staff ko. Kasi, they’re so hard working, they’re so effective kaya ako nakakapagpelikula, kaya pa rin po ako nakakapag-acting, kasi po ang gagaling ng mga staff ko at nababalanse ko ang lahat, thank you po.
“And para po sa Panginong Hesus Kristo at kay Mama Mary, para rin po sa inyo ito… all for the Greater Glory of God… at sa co-producer namin, thank you very much po sa inyong lahat,” pagtatapos ng mahusay na actor at masipag na public servant.
Kabilang sa co-nominees nina Konse Alfred at Piolo sina Cedrick Juan para sa pelikulang Gomburza, Ken Chan sa Papa Mascot, Dingdong Dantes for Rewind, at Alden Richards para sa Family of Two.
Ang iba pang nanalo sa 72nd FAMAS awards ay sina:
Best Actress – Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)
Best Picture – Mallari (Mentorque Productions)
Best Director – Louie Ignacio (Papa Mascot)
Best Supporting Actor – LA Santos (In His Mother’s Eyes)
Best Supporting Actress – Gloria Diaz (Mallari)
Best Child Actor – Euwenn Mikel Aleta (Firefly)
Best Child Actress – Elia Ilano (Pinoy Ghost Tales)
Best Screenplay – Enrico Santos (Mallari)
Best Cinematography – Carlo Mendoza (GomBurZa)
Best Production Design – Marielle Hizon (Mallari)
Best Editing – Benjamin Gonzales Tolentino (Iti Mapukpukaw)
Best Musical Score – Teresa Barrozo (GomBurZa)
Best Sound-Immanuel Verona and Nerrika Salim (Mallari)
Best Visual Effects- Gaspar Mangarin (Mallari)
Best Original Song – Finggah Lickin (Becky & Badette)
Best Documentary – She Andes (Maria)
Best Short Film – Direk Gabby Ramos (Huling Sayaw ni Erlinda)