Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang matanong kung may isang pangit na bahagi ng buhay niya na nais na niyang makawala?

Lahad ni Aica, “Simpleng buhay lang po kasi ‘yung mayroon kami ng family ko noong mga nasa one to ten years old ako.

“And then mayroon po akong ka-compound which is kaibigan din ng family ko.

“Isang araw po wala po kasing tao sa bahay and then siyempre ako wala namang malisya sa akin kaya nang pumasok siya sa bahay namin since kilala siya ng family ko and then kilala naman ang family nila ng family ko.

“Ayun po noong nakaupo po ako naglalaro po ako ng phone ko na bigay po sa akin ng mommy ko, bigla niya pong inilabas ‘yung ‘ano’ niya, ‘yung ari niya sa akin, bigla niya pong inilabas,” rebelasyon pa ni Aica na napahagulgol.

Pagpapatuloy pa ni Aica, “Noong sandaling iyon hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

“Tumakbo po ako palabas, hindi ko po alam kung sinong pagsusumbungan ko kasi hindi ko alam kung sinong maniniwala sa akin, kasi lahat ng mga tao sa amin kilala po siya.

“Kilala ng mga official, na funny siya, na nagpapatawa siya sa iba’t ibang tao.

“Gusto ko pong sabihin sa mommy ko pero hindi ko magawa,” patuloy na salaysay ni Aica habang umiiyak.

 “Kasi feeling ko hindi siya maniniwala sa akin.”

Hindi na raw alam ni Aica kung nasaan ang naturang lalaki.

Ang nasabing traumatic na karanasan ang nais ni Aica na “makalaya” mula sa kanyang puso at isipan. May koneksiyon ang tungkol sa pagpapalaya sa proyekto ni Aica sa Vivamax na may pamagat na Kulong na magsisimula ang streaming ngayong May 24.

Mga bida rin dito sina Caris Manzano, JD Aguas, at Jenn Rosa. Ang Kulong ay idinirehe ni Sigrid Polon na artista rin sina Ghion Espinosa at Ralph Engle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …