Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPAT
ni Mat Vicencio

“TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the very end, I salute you sir.”

Ito ang pahayag ni Senator Migz Zubiri sa kanyang resignation speech matapos na ‘patalsikin’ bilang pangulo ng Senado.

At habang umiiyak si Migz at sumasaludo kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, makikitang humahagulgol naman si Bato, tinatakpan ng dalawang kamay ang kanyang pagmumukha at paulit- ulit na hinihimas ang makintab na ulo.

Nakagagalit ang ginawa ni Bato dahil sa huling sandali, hindi man lamang niya sinabihan o nagpasintabi kay Migz bago pa man sumalang sa gagawing huling privilege speech na nakapirma na pala siya sa grupo ni Senator Chiz Escudero.

Simpleng traydor o garapal na traydor?

Sabi pa ni Bato…“My signature was already insignificant. They came to me after the battle had been won. They already had 14 signatures.”

E, pilosopo pala talaga itong si Bato, dahil kung insignificant, bakit siya pumirma? Ang malinaw, isa si Bato sa nagpatalsik kay Migz dahil sa kanyang signature. Nagpapalusot pa si Bato pero ang babaw naman ng rason. Immaterial daw, kamote!

At malinaw rin bilang PDP-Laban, si Bato kasama sina Sen. Bong Go at Sen. Francis “Tol” Tolentino ay meron linyang politikal na sinusunod bilang alipores ni dating Pangulo Digong Duterte at ang lahat na mahahalagang desisyon na kanyang gagawin ay may kumpas ng dating pangulo.

Kaya nga, masasabing sa simula pa lamang ng ‘gulo’ meron nang desisyon si Bato sakaling magkakaroon man ng pagbabago sa liderato ng Senado at ang kanyang interes ay mangingibabaw tulad ng pagpanig niya sa majority group na pinamumunuan ngayon ni Chiz.

At tusong hakbang  ang ginawa ni Bato sa pagsuporta kay Chiz  dahil alam niyang kahit na papaano nabulabog na ang Malacañang sa pagdining ng ‘PDEA leaks’ na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Mensahe nga ni Migz kay Bato…“At least alam niya na dinipensahan ko siya bilang chairman ng committee at dahil d’yan, nagkaroon po ng sakripisyo, ako po ang sakripisyo d’yan. Nawala ako sa posisyon.”

Hay naku, saan kaya humuhugot ng kapal ng pagmumukha itong si Bato, dahil sa huling pagkakataon, at sa kanyang ginawang pambabalahura, nagawa pa niyang yakapin ang asawa ni Migz.

Sabi pa ni Migz…“Niyakap mo pa ‘yung asawa ko. Parang, wow. Bakit mo pa niyakap ‘yung asawa ko?” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …