BUMUO ang Quezon City Police District (QCPD) ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Mercedita Gutierrez, LTO employee, na tinambangan nitong Biyernes ng gabi, 24 Mayo 2024.
Sa direktiba ni QCPD director P/Brig. Gen. Redrico Maranan, layunin ng SITG GUTIERREZ na pamumunuan ni P/Col. Amante Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), ay upang matukoy ang motibo sa pagpaslang at makilala ang salarin para sa pagkaaresto nito.
Sa imbestigasyon, bandang 6:20 pm nitong Biyernes, 24 Mayo 2024, pinagbabaril ng suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima sa kanto ng K-H Street at Kamias Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Naisugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) para gamutin pero idineklarang dead on arrival ng attending physician.
“SITG GUTIERREZ will take into account all relevant information to ascertain the reason behind the shooting. Our prayers and sympathy to the bereaved family of the victim. The QCPD will not stop pursuing the suspect and we will make sure that justice will be served,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)