Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kulong Vivamax

JD Aguas, nakipagtikiman kina Jenn, Aica, at Cariz sa pelikulang Kulong

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI JD Aguas ay gumaganap bilang si Boie sa pelikulang Kulong. Siya ay caretaker ng resort na aakitin ng tatlong nagseseksihan at naggagandahang babae para makakuha ng ‘sexperience’.

Ang tatlong hot na hot na bebot at bida rito ay sina Jenn Rosa, Cariz Manzano, at Aica Veloso. Ginawa pa ng tatlong magkakaibigan na isa itong kompetisyon na ang mananalo ang makakauna at maka-all the way kay Boie.

Aminado si JD na maiinit na eksena with Jenn, Aica, at Cariz ang mapapanood sa kanya sa Kulong.

Kuwento ng aktor, “May love scene po ako sa kanilang tatlo, kina Cariz as Tisay, Jenn as Minerva, at Aica as Love. So sa kanilang tatlo po, mainit po talaga ang aming eksena, matitinding love scene po ito.”

Ano ang love scene niya sa movie, sabay-sabay ba iyong tatlong babae? Orgy scene ba iyan?

Aniya, “Isa-isa lang po siyempre, pero nangyari sa all cast ng Kulong, iyon din ang isa sa mga aabangan ng mga tao sa movie pong ito.”

Dagdag pa ni JD, “Ang role ko po sa Kulong, isang virgin na caretaker. Magalang, mapagmahal, at handang gawin ang lahat para sa pamilya at pag -ibig.”

Paano ba siya napasok sa showbiz at naging under sa management ni Mark Grabador?

Kuwento ng guwapitong aktor, “Nagsimula po ako sa theater at naglakas loob mag-audition kay direk Bobby Bonifacio… and iyon po, pina-handle niya po ako kay Mama Mark Grabador.”

Bukod sa Kulong, kabilang sa movies na nagawa ni JD ang Bedspacer, Dilig, at Hiraya.

Ano ang pinakamahirap sa pagiging Vivamax actor? “Iyong Mahirap sa pagiging Vivamax actor, ay yun pong misconception sa amin ng mga tao, na nakakalimutan nila minsan na kami ay actor din na dapat pahalagahan sa industriya,” esplika pa ni JD.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …