Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng guwapong Kapuso actor/singer ang mga participant ng Gawad Ulirang Ina 2024.

Sa pamamagitan ng bonggang event na ito nina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Mrs. Trina Biazon, walong mga dakilang ina mula sa walong baranggay sa nabanggit na siyudad ang magpapatalbugan para hiranging Gawad Ulirang Ina 2024.

Aawit si Jeric habang sinusuma ang resulta ng patimpalak base sa kanilang talino, kontribusyon sa komunidad, sakripisyo sa pamilya, at pagtataguyod sa mga anak na makatapos sa pag-aaral at maging maayos ang pamunuhay.

And take note, walang uuwing luhaan dahil manalo o matalo, lahat ng kandidata ay may premyong P40K samantalang ang mapipiling Natatanging Ina ay may karagdagang premyo na P10k o P50K.

Magaganap ang pasabog ngayong Miyerkoles, May 22 sa Ayala Southpark Mall sa Alabang, 4:00 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …