Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Kokoy de Santos

Buboy pinakamahigpit na kalaban ni Kokoy sa RunnersPH

SI Buboy Villar ang itinuturing ni Kokoy de Santos na pinakamahigpit na kalaban sa anim na runners ng Running Man Philippines.

Tinanong namin kasi ito kay Kokoy.

Wow! Si Buboy na lang kasi parang nag-a-assume si Buboy, eh. Chariz! Hindi, si Buboy, isa si Buboy din talaga.

“Kasi madalas kaming mag-abot talaga, eh. Hindi rin namin alam kung bakit. Bukod sa amin ni Angel, si Angel kasi ‘pag nagtatapat kami parang ang hirap hindian, alam mo ‘yun, may ganoon,” ang tila kinikilig na sambit ni Kokoy.

Pagpapatuloy pa ni Kokoy,  “Kami ni Buboy talaga ‘pag nag-aabot kami, parang, ‘Ano ba ‘yan?’

“Parang gusto namin lagi parang chill lang kami pero ‘pag kami ang nag-aabot parang, ‘Hindi eh, minsan lang ‘to mangyari, ibigay na natin ‘to!’

“Pero kalmado, pero ibigay natin kung ano ‘yung deserve ng mga manonood,” pahayag pa ni Kokoy sa mediacon ng Running Man Philippines Season 2 noong Sabado, sa Studio 7 ng GMA.

Kaabang-abang ang Season 2 ng Running Man Philippines dahil special guest dito sina Sandara Park, Nancy McDonnie at Haha ng Running Man Korea.

Guest din  sina Josh ng SB19Unis members Gehlee at Elisa, Pinoy athletes Eric “Eruption” Tai and Mark Striegl, award-winning actress Alessandra de Rossi, at Kapuso stars Rochelle Pangilinan, Herlene Budol, Paul Salas, Archie Alemania, Michael Sager, at Bianca Umali, at ang Season 1 Original Pinoy runner na si Ruru Madrid.

Napapanood ito tuwing Sabado, 7:15 p.m. at Linggo, 7:50 p.m. sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …