Sunday , December 22 2024
Sa Bulacan P1.3-M ‘OBATS’ KOMPISKADO 5 TULAK ARESTADO

Sa Bulacan  
P1.3-M ‘OBATS’ KOMPISKADO 5 TULAK ARESTADO

BAGO naikalat, agad nasamsam ng mga awtoridad ang milyong halaga ng shabu at naaresto ang lima kataong pinaghihinalaang tulak sa operasyong isinagawa ng pulisya sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, isang anti-illegal drug operation ang ikinasa ng Meycauayan City Police Station (CPS) kasama ang SOU 3, at PNP Drug Enforcement Group na nagresulta sa pagkaaresto sa limang personalidad na sagot sa ilegal na droga, dakong 4:39 am sa Brgy. Iba, Meycauayan City.

Nakompiska sa mga naarestong suspek ang anim na piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet, anim na piraso ng malalaking transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, may timbang na 205 gramo, at tinatayang halagang P1,394,000 batay sa Standard Drug Price (SDP) ng Dangerous Drug Board (DDB), at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri, habang ang naaangkop na reklamong kriminal sa mga paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ay inihahanda laban sa mga suspek para sa ihahaing asunto sa korte.

Ayon kay PD Arnedo, nananatiling matatag ang Bulacan Police sa pangako nitong hadlangan ang paglaganap ng ilegal na droga sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …