Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Maagang kampanya ng mga epal na senador

SIPAT
ni Mat Vicencio

DAPAT ang mga botante na ang kumilos at tuluyang hindi iboto ang mga politikong matatawag na garapal at epal dahil sa ginagawang maagang pangangampanya kahit napakalayo pa ang nakatakdang eleksiyon.

Kung tutuusin, halos isang taon pa bago ang 2025 midterm polls, pero ngayon pa lang, ang ilang reeleksyonistang senador ay wala nang tigil sa pag-iikot sa mga probinsiya at patuloy sa pagpapakalat ng kani-kanilang mga tarpaulin.

Ang nakatatawa pa rito, naglalakihang mga larawan ng mga epal na politiko ang bubulaga sa makakakita ng kanilang tarpaulin na kasalukuyang naglipana sa mga lungsod, munisipalidad, barangay at sitio.

Pansinin si Senator Bong Go, nitong nakaraang Disyembre, nawindang na lang ang lahat dahil sa halos palibutan na nito ang buong Filipinas ng kanyang tarpaulin na merong Christmas greetings.

Noong Mahal na Araw naman, tinadtad din ni Go ang Metro Manila at karatig lalawigan ng kanyang tarpaulin na may mababasang… “ingat po tayo sa biyahe!” Bakit, kailan pa kaya naging opisyal si Go ng DOTR, LTO, MMDA at LTFRB?

Kengkoy naman itong si Senator Imee Marcos, at lahat na lang ng okasyon tulad ng fiesta, festival, convention, beauty contest, anniversary at pati marker ng itinayong building ay kanya na ring dinaluhan. Diyos ko, hindi ba nahihilo itong si Imee sa rami ng events na kanyang pinupuntahan? Kalma lang, ma’am!

Hindi rin pahuhuli si Imee kung tarpaulin ang pag-uusapan dahil madalas pagmumukha na lang ng senadora ang makikita sa mga lugar sa Tagbilaran, Bohol pati na sa Iloilo, Bacolod at mga kalsada sa Ifugao.

Bukod kina Go at Imee, ang iba pang mga reeleksyonistang senador tulad ni Senator Lito Lapid at ni Senator Francis “Tol” Tolentino ay madalas na rin nakikita ang mga tarpaulin sa NLEx.

At sa mga susunod na linggo, asahang lalong mamumutiktik ang mga tarpaulin sa mga kalsada sa Metro Manila at probinsiya dahil siguradong hindi magpapahuli ang ilang politikong kakandidato bilang senador.

Kaya nga, nasa mga botante na kung nararapat pa bang iboto ang mga politikong tinatawag na garapal at epal dahil lumalabas na panlalamang ang kanilang ginagawa para masiguro ang panalo sa darating na halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …