Friday , November 22 2024

Vivamax maraming nabigyan ng trabaho

NAVANGGIT na rin lang natin ang Vivamax. Marami ang nagtatanong ano raw ba ang nagawa ng Vivamax para sa industriya ng pelikulang Filipino na puro naman mga bastos ang inilalabas.

Aaminin naming, hindi rin naman kami pabor sa mahahalay na pelikula pero hindi naman natin maikakaila na may mabuti ring nagawa ang Vivamax. Noong panahong naka-lock down ang buong Pilipinas dahil may nagkasipon lang sa kanto magdedeklara na ang IATF ng ECQ at bawal na ang lumabas ng bahay. Talagang bagsak ang industriya. Sino ba ang gagawa ng pelikula eh sarado ang mga sinehan? Sino ba ang lalabas eh natakot ang mga tao dahil milyon-milyon ang isinisigaw na namamatay sa Covid araw-araw kahit na may bakuna. Mabuti nga nawala na iyong Octa Research dahil kung nariyan pa iyan ngayon, ilan pa kaya ang irereport nilang namamatay, at ang report nila ay sa Covid lang ha, hindi pa kasali roon ang mga natotokhang at napapatay sa EJK.

Ang daming walang trabaho noon. Nagbebenta na lang sila ng kung ano ang junk sa internet. Iyong iba nagbebenta na lang ng personal nilang sex videos at nag-aalok na rin ng sex, diretsahang prostitusyon na dahil gutom at walang pinagkakakitaan. Sarado ang negosyo.

Maraming tao sa industriya gutom. Noon nga iyong panahon na may mga tao sa industriya na kakilala naman namin na inaabangan kami dahil nanghihingi kahit na pangkain lamang. Talagang lahat gutom.

Noon nila naisipan ang Vivamax. Sarado ang mga sine, puwedeng gumawa ng pelikula na ilalabas sa internet streaming. Hindi puwedeng malalaking pelikula, kailangan budget lamang ng indie o mas maliit pa. Hindi naman gagawa ng ganyan ang mga lehitimong director ng pelikula, kaya kahit na baguhan kahit na hindi masyadong marunong basta matatapos ang isang pelikula. Hindi rin puwede ang mga malalaking stars kaya kahit na sino na lang eh papayag ba naman iyon ng maliit na bayad kung sikat? Siyempre hindi, kaya kailangan mga baguhan muna, eh sino naman ang manonood sa puro baguhan na ni hindi nila kilala? 

Kailangan bold para panoorin. Mas bold mas marami ang manonood sa streaming tutal hindi naman sila mahahabol ng MTRCB dahil sa internet lang naman palabas iyon. Hindi iyon sakop ng MTRCB dahil nang gawin ang batas, wala pa iyang internet.

Hindi natin maikakaila na nabigyan nila ng trabaho ang mga manggagawa sa industriya. Kahit na barya lang ang bayad, at least may barya. Kaysa tumatambay lang sila kung saan-saan at nagbabaka-sakaling may makita silang kakilala na mahihingan nila maski na paano.

Noong bandang huli, maski na mga lehitimong artista lumalabas na rin sa Vivamax, mas mabuti na iyon kaysa magutom. Mayroon namang hindi pera ang habol, halimbawa si Sharon Cuneta, pumasada rin sa VIvamax dahil matagal na siyang walang pelikula. At least maski paano may nasabi siyang pelikulang nagawa niya.

Ngayon dumami na ang subscribers ng Vivamax. Kumikita na sila, ititigil pa ba nila iyon eh nakikita nilang halos wala na ang market ng mga sinehan? Para kumita ka sa sinehan, kailangan gumawa ka ng magandang pelikula. Kailangan sikat ang artista mo, maglalabas ka n milyong pisong capital, eh kung pumalpak? Masakit din, eh iyang Vivamax, P200k lang tapos na ang isang pelikula. Buwanan naman ang bayad sa streaming. Hindi man panoorin ang isang pelikula manonood naman sila sa iba, mababawi na rin ang puhunan sa hindi pinanonood. At saka ang mahalaga,tuloy-tuloy ang trabaho ng mga tao. Hindi nababakante ang mga manggagawa, kaya kahit na maliit ang bayad, ok lang dahil marami naman.

Iyon ang naitulong ng Vivamax, kahit na paano nagpatuloy ang industriya. Hindi gaya ng iba na tumigil na lang.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …