DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan ng isang submachine gun sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod.
Sa ulat kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan, kinilala ang suspek na si Maravilla Castillo, 35 anyos, residente sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Chief, PMaj. Don Don Llapitan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na pagbebenta ng suspek ng mga baril na hindi rehistrado sa bisinidad ng Brgy. Greater Fairview, Quezon City at mga karatig barangay.
Agad ikinasa ng CIDU an buybust operation laban sa suspek niotng 15 Mayo 2024 dakong 8:10 pm sa harap ng Fairview Elementary School sa Austin St., Dahlia, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
Dinakip ang suspek nang bentahan ng submachine gun na nagkakahalaga ng P9,000 ang pulis na nagpanggap na buyer.
Si Castillo ay sasamphan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office. (ALMAR DANGUILAN)