INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang pinaghihinalaang tulak makaraang makompiskahan ng P850,000 halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lungsod.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert P. Amoranto, hepe ng Kamuning Polie Station 10, kinilala ang nadakip na si Riza Verdan, 40 anyos, residente sa Brgy. Culiat, Quezon City.
Sa imbestigasyon, dakong 6:30 pm, 15 Mayo 2024, nang madakip ang suspek sa Sct. Santiago St. corner Marathon St., Brgy, Obrero, QC.
Nakompiskahan si Verdan ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Samantalang , dakong 11:30 pm nitong Martes, 14 Mayo 2024, inaresto si Mark Julius Cervantes, 27 anyos, residente sa Brgy. Paltok, SFDM, Quezon City.
Si Cervantes ay dinakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ni P/Maj. Wennie Ann Cale, makarang makuhaan ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000. (ALMAR DANGUILAN)