COOL JOE!
ni Joe Barrameda
IDINAOS ang preskon ng Miss Lipa Tourism kamakailan na bonggang-bonggang ipino-promote ang turismo ng Lipa dahil maraming maipagmamalaki ang siyudad.
Sa pangunguna ni Joel Umali Pena, ibinubuhos niya ang suporta hindi lang sa turismo ng Lipa kundi pati sa Miss Lipa Tourism. Ang laki ng ikinaganda ng siyudad ng Lipa. Bukod sa cultural heritage ng Lipa ay maraming restaurant kayong mapagpipilian na puwedeng kainan lalo na ang sikat na sikat na Lomi, Chami, at ang sikat na sinaing at ginataang tulingang.
Ang Lipa City ay lugar na naging mayor si Ms Vilma Santos-Recto at balita namin tatakbo sa isang posisyon si Luis Manzano.
Sa June 15 natin malalaman kung sino an papalaring 2024 Miss Lipa Tourism. Si Konsehal Venice Manalo ang Chairman ng LGU Tourism Comittee at si Joel naman ang co-chairman ng Lipa City Tourism Council (NGO).