Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig manood ng sine sa mga mall.

Marami-rami na Rin kasi ang mga movie na though years in the making ay iri-release na widely.

Bukod sa nabanggit na natin ditong When Magic Hurts nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia na showing na this May 22, ipalalabas na rin ang Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger on May 29 naman.

Senyales talaga na kahit paano ay mataas ang hope ng mga producer na may audience na muli ang mga sinehan.

Sana po suportahan nating mga mahihilig sa movies ang magandang activity na ito.

Spaking of which, 2022 pa nga natapos nina Kelvin at Kira ang Chances Are, You and I movie.

Magkaiba man sila ng network, tiniyak nilang naging maayos ang lahat sa kanilang pagsasama lalo’t may mga ilang eksena na sa South Korea pa kinunan.

Aminado rin sila kapwa na nang dahil sa tema ng movie ay hindi nila talaga maiiwasan na ma-attach sa kanilang mga role bilang ‘lovers’.

Paliwanag nila, “siguro naman po ay normal na ‘yung sa pag-internalize mo ng role mo ay may mga action o body language kang aakalain ng iba na may something between the two of you. Mayroon nga po pero sa movie lang ‘yun. After ng shooting at lahat, back to normal na rin po kami, bilang kami, si Kelvin, si Kira.”

Sa napanood naming trailer ng movie, dalang-dala nga ng lead stars ang kanilang mga karakter. Maganda ang rehistro nila on screen at mukha namang naalagaan ni direk CC Camarillo ang dalawa at nailabas niya ang nais niyang makita ng moviegoers kina Kira at Kelvin.

Though kapwa un-attach o walang mga karelasyon ang dalawang young stars, pagtatrabaho talaga ang priority nila sa ngayon, kaya’t deadma muna sa usaping lovelife.

Na siyang dapat dahil kay babata pa rin nila at may mga very promising future sa showbiz.

Isantabi muna ang mga love-love isyu na iyan at ‘ika nga nila, hanggang on screen lang dapat gaya ng ginawa nila sa Chances Are, You and I na showing na ngayong May 29.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …