Sunday , December 22 2024
Gene Juanich Star Awards

Gene Juanich waging Best Regional Broadway Actor sa 14th Star Awards for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULA sa natamong parangal ni Gene Juanich sa 14th PMPC Star Awards for Music bilang Best Regional Broadway Actor, marami kaming napagkuwentuhang latest na balita sa talented na New York based singer/songwriter/musical theater actor at recording artist.

Aniya, “Mag-uumpisa na po akong mag recording ng two singles ko po na ire-release mid of this year. Ito po yung Pop Novelty na May Nanalo Na Besh and yung English inspirational song po na When You Fall.”

Ang next na magiging single niya, magkakaroon ba iyon ng music video?

Tugon ni Gene, “Baka po yung May Nanalo Na Besh, baka gawan po namin ng music video, I’m hoping and praying for it sir.”

Nagpasalamat din siya sa bumubuo ng PMPC sa kanyang tropeo.

“Isang napakalaking karangalan na po na mapasama man lang ma-nominate sa mga iconic artists na ito.

“Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaya ni sir Rodel Fernando po, pati rin kay sir Nonie Nicasio, sa very special award na ito,” sambit ni Gene.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya ko po nang bigyan po ako ng special  award ng PMPC bilang Best Regional Broadway Actor,  isa po itong napakalaking achievement para sa akin and validation po ng pagiging musical theatre actor ko po rito sa New York.

“Hindi man po kami nanalo sa kategoryang Best Collaboration Award ng aking partner na si Michael Laygo, sobrang proud at masaya po kami na makasama sa nomination sa Star Awards for Music dahil napasama po kami sa mga bigatin at kilalang OPM artists sa atin gaya po nina Moira, Ogie Alcasid, Ben&Ben, Gloc9, Juan Karlos at siyempre po si Ms. Regine Velasquez.”

Nagkuwento rin siya sa nagawa niyang latest shows sa Broadway.

“Katatapos nga lang po ng Off-Broadway Musical namin na Rodgers & Hammerstein’s “Cinderella The Musical” nitong April 5 -14, 2024 sa Fort Hamilton Theatre sa Brooklyn New York. Ito po ay sa direksyon ni Christopher Carver na sobrang napakagaling po talaga at Musical Director naman po si Ethan Smith-Cohen. 

“Nakasama rin po ako sa 17th Anniversary & 800th Cabaret Showcase ng kilalang Broadway songwriter po na si Seth Bisen-Hirch na ginanap po sa isang sikat na Cabaret Club sa Midtown Manhattan ang “Don’t Tell Mama NYC” Cabaret Club po.”

Pahabol pa niya, “Kasama ko rin po ang Broadway star na si Ashley Wool ng Broadway Musical na “How To Dance in Ohio, magkasama po kami sa Cabaret Showcase at ang galing po niya talaga.”

Happy ba siya sa kanyang showbiz career? “Masaya po ako sa career ko sir Nonie kasi po I get to perform in various Cabaret clubs dito po sa Manhattan and mapasama po ss mga Regional Broadway Musicals na ang audience po ay talagang mga ibang lahi.”

Ano pa ang wish niyang ma-achieve as an artist? “Ang pinaka-wish ko po talaga as an artist ay makasama someday sa kahit anong production po ng Miss Saigon, kasi iyan po ang pinaka-favorite musical ko,” wika niya.

Aniya pa, “Iyan po kasi ang tumatak sa akin na Musical mula pa po noong umpisa pa lang na ang ultimate idol ko po na Ms. Lea Salonga ang gumanap na Miss Saigon. Plus, gustong-gusto ko po lahat ng songs sa Musical na ito.”

Twice na raw niyang napanood ang Miss Saigon.

“Yes po, napanood ko na po ang Miss Saigon, both po … yung West End production sa London, England and yung Broadway production po rito sa New York. And sana nga someday ay makasama po ako sa musical na ito.”

Iyong napanood niyang Miss Saigon, sinong Pinoy ang bida?

“Both yung sa London po at Broadway production ay si Miss Eva Noblezada po ang gumanap na Kim at si Ms. Rachel Ann Go naman po ang gumanap na Gigi Van Tranh.”

“Ang na-feel ko po nang napanood ko ang Miss Saigon?” Ulit niya sa aming tanong. “Sobrang napakasaya ko po at na-starstruck ako kina Ms. Eva at Ms. Rachel po,” masayang pakli pa ni Gene.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …