Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Bahay nina Jerome sa Makati nagpayaman sa tiyahin

RATED R
ni Rommel Gonzales

HORROR ang Sem Break na bagong series ng Viva One at may sariling horror story sa tunay na buhay si Jerome Ponce.

Ako kasi so many years since bata ako and naniniwala ako sa multo, na ngayon ang paniniwala ko is more on soul, hindi ‘yung mga multo, kaluluwa.

“Magkaibang-magkaiba iyon sa akin, ‘yung kaluluwa ‘yung may mga hindi natapos na misyon dito, mga hindi pa nila gustong ano kasi hindi nila matanggap.

“Experience wise ‘yung sa tita ko, kapatid ng dad ko, business kasi namin before is xerox machines, so ang nangyari mayroong bahay si Papa dati sa Makati.

“Hindi pa ako ipinapanganak noon.

“May salamin sa may hagdanan, sobrang taas talaga, pataas.

“Ngayon sabi nila tuwing dadaan sila roon may nakikita silang white lady, legit talaga.

“Sabi raw huwag daw gagalawin iyon, hayaan lang. 

“Ngayon binili agad ng tita ko na iyon sa Papa ko ‘yung bahay, sila na ang tumira roon.

“Kaya pala gustong huwag paalisin or binili nila kaagad, suwerte raw ‘yun.”

Yumaman daw ng bongga ang tita ni Jerome. 

Sa Sem Break ay co-star nina Jerome (bilang si Arlo) at Krissha (bilang si Mich) sina Aubrey Caraan(bilang si Cora), Hyacinth Callado (bilang si Jessie), Gab Lagman (bilang si Pipo), Keann Johnson (bilang si Timmy) at sina Dani Zee, Rose Van Ginkel, at Felix Roco.

May fresh episode tuwing Biyernes, ang Sem Break na idinirehe ni Roni S. Benaid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …