RATED R
ni Rommel Gonzales
TINANONG namin si Angel Guardian kung itinodo ba niya ang effort sa mga race sa season 2 ng Running Man Philippines dahil siya ang Ultimate Runner sa Season 1.
“Actually this season po mas focused ako sa… na mag-enjoy ako. Kasi parang last season ang nasa isip ko is parang I play to win.
“Pero this season parang I play more to enjoy!
“Iyon talaga ‘yung sinet ko sa utak ko na, ‘Siguro okay na ‘yung last season na talagang buhos lahat, buong lakas, lahat-lahat.’
“Siguro this season, ahm… competitive pa rin naman ako pero hindi na… iba na ‘yung mindset ko, mas focused na ako na iyon nga, mag-enjoy, maka-bonding ‘yung mga runner and makita kaming lahat na nag-e-enjoy, lahat nananalo,” ang pahayag ni Angel.
Ang iba pang runners ng Running Man Philippines Season 2 na galing din sa season 1 ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez, at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.
Hindi rin naman nangangahulugan na naging “relaxed” na siya sa mga race nila sa Season 2, na kahit hindi siya manalo this time ay okay lang.
“No po, kasi parang… iyon ‘yung essence ng ‘Running Man’ eh, kasi alam mo ‘yun, parang every mission we have to give our all.
“Para rin sa mga audience, para rin ma-enjoy nila, para rin mag-appear sa screen na, alam mo ‘yun, competitive kami, pero we enjoy.
“And we want to show that to people, I want to show that to people.”