RATED R
ni Rommel Gonzales
SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel Tanfelix para sa shoot ng Running Man Philippines Season 2 ay gabi-gabing kausap ni Miguel sa telepono si Ysabel Ortega.
Lahad ni Miguel, “Iyon naman po ‘yung compromise naming dalawa since 43 days ako sa Korea.
“Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our day. O kaya, ‘Good night,’ ganyan.
“Tapos kunwari may episode kami, ikukuwento ko talaga sa kanya from start to finish kung paano itinakbo ang buong episode.”
Aminado si Miguel na nalungkot siya sa mga unang araw niya sa South Korea.
Pero nakatulong naman at nagdulot ng maganda na naranasan nila ni Ysabel na mahiwalay sa bawat isa ng mahigit isang buwan.
“Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge rin ‘yun sa relationship namin kung kaya namin mag-LDR [long distance relationship].
“Kasi, may mga relationship na strong lang sila ‘pag nakikita nila ang isa’t isa. Pero kapag matagal na nahiwalay, parang mahina.
“So, ako excited akong i-take ‘yung challenge na iyon.”
Ano na ba ang estado ng relasyon nila?
“Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. ‘Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa 43 days na nasa Korea ako.
“Rito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor ‘yun sa relationship namin.”
Mapapanood na tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 p.m. at May 12, 7:50 p.m.. Ang iba pang runners ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.