Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa Aparri, Cagayan last Tuesday, May 7.

Nasa gitna ng pagtatanghal si Boobay (ginagawa niya ‘yung act na ginawa dati ng yumaong si Chokoleit), nang sa pagkuha nito ng isang prop na upuan ay bigla nga itong napatigil.

‘Yun pala ay inaatake na ito ng noon pa niyang sakit kapag napapagod. Nagkaroon uli ng silent seizure ang komedyante at marami nga ang nabahala, lalo na ang kasama niya sa show na si Pepita Curtis.

Ayon kay Boobay na okey na sa ngayon, tinapos nila ang show kahit nagkaroon siya ng silent seizure sanhi raw ng sobrang lakas ng mga ilaw sa stage na siyang nag-trigger sa atake.

Nakabalik na siya ng Manila at magpapa-check up sa doktor.

Hay naku Boobay, dagdagan ang pag-iingat hane. Laging dapat cautious at ‘yung mga nakakasama mo ay dapat oriented sa kundisyon mo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …