Wednesday , May 14 2025
Sa San Jose del Monte at sa DRT 2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

Sa San Jose del Monte at sa DRT
2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

DALAWANG suspek ang sugatan sa armadong enkuwentro sa City of San Jose Del Monte, at isa ang inaresto sa Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan dahil sa pagbabanta at ilegal na pagdadala ng baril.

Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na agad nagresponde ang San Jose Del Monte CPS matapos makatanggap ng ulat mula sa biktima na ang kanyang motorsiklo ay puwersahang inagaw ng dalawang lalaking suspek sa bahagi ng Governor F. Halili Road, Brgy. Gaya-Gaya, CSJDM, Bulacan, 2:00 am araw kahapon.

Nang matanggap ang ulat, agad nagresponde ang mga elemento mula sa PCP2 at SWAT unit ng SJDM CPS at nagsagawa ng dragnet at hot pursuit operation, na humantong sa armadong komprontasyon laban sa mga suspek.

Sa paghahabulan, isa sa suspek na sakay ng ninakaw na motorsiklo, ay bumangga sa isang Toyota Innova, na nagresulta sa kanyang pagkaaresto, habang ang ikalawang suspek ay naharang ng mga tauhan ng SWAT ng SJDM CPS.

Sa pagrekisa ng mga awtoridad, nakuha ang iba’t ibang improvised firearms mula sa dalawang suspek na parehong dinala sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte para lapatan ng lunas.

Ang mga suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10883, Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property, RA 10591, at Attempted Homicide.

Samantala, sa Doña Remedios Trinidad, isang 49-anyos lalaking suspek ang inaresto ng mga tauhan ng DRT MPS dahil sa paglabag sa RA 10591, RA 7610, at pagbabanta sa mga biktima sa Sitio Kutad, Brgy. Camachile, DRT, Bulacan, 8:00 pm kamakalawa.

Batay sa sumbong ng mga biktima, sa hindi malamang dahilan ay pinagbantaan sila ng suspek, habang may hawak na baril.

Napag-alaman na laging nagyayabang at naghahamon ang suspek sa naturang lugar at kahit sino ang makaharap ay pinopormahan at pinapakitaan ng baril.

Nakompiska mula sa naarestong suspek ang isang .22 caliber revolver na walang serial number, kargado ng anim na live cartridge.

Tinitiyak ng Bulacan PNP sa publiko na sila ay protektado laban sa mga grupo o indibiduwal na pinagmumulan ng takot at karahasan sa loob ng komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …