Sunday , December 22 2024
Ferdinand Estrella Baliwag Bulacan

Lungsod ng Baliwag, top performing LGU sa Bulacan

IPINAPAKITA ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pag-unlad at kahusayan, ang Lungsod ng Baliwag na pinamumunuan ni Mayor Ferdinand V. Estrella ay niraranggo bilang top performing local government unit sa Lalawigan ng Bulacan sa seremonyal na paggawad ng Top 10 Most Competitive LGU sa 2023 Cities at Municipalities Competitiveness Index – Provincial Ranking na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kasabay ng Monday Flag Ceremony kamakalawa.

               Alinsunod dito, natukoy ang ranggo sa pamamagitan ng pagtatasa ng Provincial CMCI Technical Working Group na pinamumunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang Chairperson nito at ni Dir. Edna D. Dizon, Assistant Regional Director at Bulacan Provincial Director ng Department of Trade and Industry bilang Vice Chairperson, at iba pang miyembro mula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Kasama ni Fernando si Bise Gobernador Alexis C. Castro at iba pang miyembro ng TWG sa seremonya ng paggawad na ang mga nagwagi ay tumanggap ng mga plake ng pagkilala kabilang ang Bayan ng Marilao na napunta sa 2nd place; Santa Maria sa ika-3 puwesto; Guiguinto sa ika-4; Lungsod ng San Jose Del Monte sa ika-5; Lungsod ng Malolos ika-6; Plaridel ay nasa ika-7 puwesto; Lungsod ng Meycauayan sa ika-8 puwesto; Pulilan sa ika-9 at San Rafael sa ika-10.

Bukod sa provincial ranking, kinilala rin ang Lungsod ng Baliwag bilang 3rd Overall Most Competitive LGU; ranking 5th place sa Infrastructure, rank 8 sa Resiliency at rank 6 sa Innovation sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index in the Philippines (1st to 2nd Class Municipalities Category).

Bukod dito, kinilala rin ang Bayan ng Angat bilang Top 1 Most Improved LGU mula sa dating ranking nito na 398 hanggang rank 149 sa paggawad ng Top 3 Most Improved LGUs noong 2023 CMCI Provincial Ranking habang ang Doña Remedios Trinidad ay napunta sa 2nd place na may dating ranking na 402 hanggang rank 188 at ang bayan ng Bulakan sa 3rd place na may dating ranking na 407 hanggang rank 196. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …