Friday , May 16 2025
Ayah Alfonso

Ayah Alfonso type maging kontrabida, palaban sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAN si Ayah Alfonso sa mga pagsubok ng buhay at halatang buo ang loob para sa katuparan ng kanyang mga inaasam na pangarap.

Ngayon, bukod sa pagiging aktres ay isang business woman si Ayah. Aminado siyang mahirap itong pagsabayin, pero focus lang siya sa mga goal niya sa buhay.

Aniya, “Mahirap pagsabayin ang showbiz at business, pero kailangang i-balance lahat. At dapat sa business may tao ka rin na pinagkakatiwalaan. Wala naman pong hindi mahirap, kailangan lang po alam natin ang priorities natin sa buhay at kung ano ang goal natin.”

Bukod sa pagiging aktres, nakatutok si Ayah sa business niyang restobar, ang Monster Crave Restobar, located sa 101-A, A Mabini street, Maypajo, Caloocan City.

Anyway, year 2016 siya nagsimula bilang model, model sa print ads, billboards, FHM calendar, at commercial model. Ngayon ay sumabak na rin siya sa pagpapa-sexy, although hindi naman lahat ng project niya ay kailangan niyang maghubad.

In fact, wholesome siya sa pelikulang Sisid Marino ni Direk Joel Lamangan. Tampok dito sina Julia Victoria, John Mark Marcia, Ataska, Cariz Manzano, Juan Paulo Calma, Yda Manzano, at iba pa.

Wika ng magandang talent ni Lito de Guzman, “Wholesome po ako sa Sisid Marino, nagwo-work ako roon sa munisipyo at hindi po ako nagpakita ng skin dito. Yes, siyempre kabado po ako noong shooting, siyempre Joel Lamangan iyan, isa sa magaling na bukod sa direktor, magaling na actor din po siya.

“Pero isang karangalan sa akin na makatrabaho ko si Direk Joel.”

Ang pinaka-seksing movie naman daw niya ay ang Himas na ipalalabas na sa Vivamax sa May 24. Mula sa pamamahala ni direk Christian Paolo Lat, tampok dito sina JM Abellera, Felix Roco, at Sahara Bernales.

Nabanggit din ni Ayah ang kanyang dream role. “Ang dream role ko iyong may iyakan at maging kontrabida ako. Yes, sa palagay ko very challenging po sa akin iyon. Kasi iyong mukha ko maamo, gusto ko lang lagyan ng twist iyong personality ko.

“Na gusto ko po makita ng tao na kaya ko lahat ng role at character na itotoka sa akin. Na ang isang Ayah Alfonso ay hindi paghuhubad lang ang alam,” nakangiting sambit pa niya.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …