Sunday , December 22 2024

Van bumaliktad sa Cebu 
2-ANYOS BATA, 1 PA PATAY, 21 SUGATAN

050624 Hataw Frontpage

DALAWA katao ang namatay habang 21 iba pa ang nasaktan nang bumaliktad nang maraming beses ang isang overloaded van sa Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) nitong Sabado.

               Sa weekend report ng 24 Oras Weekend, ipinakita ang dashcam footage mula sa isang sasakyan na isang puting van ang nag-overtake nang biglang umusok ang kaliwang nito.

Nawalan ng control ang van at maraming beses na bumaliktad. Marami sa mga pasahero ang tumilapon palabas ng sasakyan.

               Sa kabutihang palad, maraming motorista at iba pang pasahero ang tumulong sa mga biktima.

Sa ulat ng Cordova police, sinabing dalawa sa pasahero, isang 2-anyos paslit at isang babaeng tinatayang nasa edad 40-50 ang agad namatay sa insidente.

Inihatid ng mga rescuers ang 21 biktimang nasaktan, kabilang ang van driver, sa malapit na ospital para sa medical treatment.

               Apat sa mga biktima ay may matinding tama sa ulo.

               Ang CCLEX ay nag-uugnay sa Mactan Island at mainland Cebu.

Ayon kay Joffre Grande, hepe ng Cordova Municipal Police Station, ang van patungong terminal sa isang mall sa Cebu City, na nasa mainland Cebu.

“Agi siya sa CCLEX, padung niya saka, didto naka-meet og accident. Ang giingon sa witness nga ako naka-estorya, murag nibuto siguro to ang ligid kay mikalit man og turn turtle (He was driving along CCLEX when the accident occurred. A witness said it looked like a tire might have burst, causing the vehicle to turn turtle)” ani Nagiel Bañacia, Lapu-Lapu City Crisis manager.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …