Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

050324 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo ang showbiz columnist at talk show hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang mga co-host sa kani-kanilang online programs, at isang hindi pinangalanang netizen na nagpanggap na nagsasalita sa ngalan ng aktres.

Ayon sa kampo ng aktres, biktima siya ng “false, malicious, and damaging information.”

Kasama ni Alonzo ang kanyang manager na si Shirley Kuan at ang kanyang abogado na si Atty. Joey Garcia.

Isa sa mga maling ulat na inirereklamo ay ang sinabing hindi pagbabayad ni Alonzo ng tamang buwis.

Kamakailan lang ay tinapos ni Alonzo ang

tatlong-taong pakikipagrelasyon sa nobyong si Dominic Roque noong Pebrero at doon ay nagsimula na ang sinabing mga malisyosong haka-haka na sanhi ng kanilang paghihiwalay. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …