Sunday , April 6 2025
2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

DALAWANG lalaki na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ang magkasunod na nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang dalawang akusado na may kasong rape ay naaresto sa maghiwalay na trackdown operation ng Bulacan PNP.

Kinilala ang unang inaresto na si alyas Mark, isang 21-anyos construction worker na natutop ng mga operatiba mula sa isang bahay sa Brgy. Bahay Pare, Meycauayan City.

Si alyas Mark ay nakatala bilang No. 7 Regional Level, No. 3 Provincial Level at City Level MWP ng Meycauayan CPS, ay pinaghahanap dahil sa krimeng panggagahasa at nahuli sa bisa ng warrant na inisyu ng Presiding Judge, ng Family Court, Branch 1, Lungsod ng Caloocan, NCR.

Kasunod nito, ang No. 6 Provincial Level at No. 2 City Level MWP ng Meycauayan CPS, na kinilalang si alyas John, isang 23-anyos caretaker, ay naaresto sa Lambakin, Marilao.

Ang akusado ay pinaghahanap sa krimeng Rape by Sexual Assault na nakasaad sa warrant na inilabas ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 4, City of Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …