Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Late Bloomer Dirty Ice Cream Vivamax

Robb at Erika nagpakita ng matinding emosyon sa Late Bloomer;  2 sorbetero magpapabilis sa tibok sa Dirty Ice Cream

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na mapipigilan pa ang Vivamax na mas painitin pa ang summer dahil dalawang pelikula ang  handog nila na tiyak lalong magpapaapoy ng inyong mga damdamin, ito ang Late Bloomer at Dirty Ice Cream.

Matinding emosyon ang magbubunga sa dalawang babaeng nasa pagitan ng pagkakaibigan at pag-ibig sa Late Bloomer na streaming na sa April 30, 2024.

Ang Late Bloomer ay tungkol kay Therese dela Cruz (Robb Guinto), isang maganda at mabait na production staff. Isang araw, magbabago ang kanyang buhay dahil mada-diagnose siya ng Myelodysplastic Syndrome (MDS), isang uri ng terminal cancer. Determinado si Therese na lubusin ang bawat sandali ng kanyang natitirang panahon, kaya nanaisin niyang makipag-date at makipagtalik sa ibang tao. Dahil dito, hihingi siya ng tulong sa kanyang best friend na si Maddie Reyes (Erika Balagtas).

Sa gitna ng sexual flings ni Therese, mapagtatanto niya na gusto niya ng mas malalim na relasyon. Pero sa gitna ng posibilidad na i-explore ang isang romantic relationship, magpo-propose ng kasal ang boyfriend ni Maddie na si Arthur (Ardy Raymundo). 

Ito ay idinirehe ni Rodante Y. Pajemna Jr., na nagsilbi ring writer at direktor ng ibang Vivamax original movies na Punit na Langit at Katas.

Samantala, dalawang hot sorbeteros naman ang magpapabilis sa tibok ng mga puso sa isang mainit at magulong summer sa Dirty Ice Creamisang sexy heist movie mula sa direksiyon ni Mervyn Brondial. Streaming na simula May 10, 2024.

Ginagampanan nina Ghion Espinosa at Seonwoo Kim ang papel ng mga sexy sorbeteros na sina Junebert at Monch, na magiging “objects of desire” ng mga kasambahay at maybahay sa isang tahimik na subdivision sa Manila. Nagke-crave ang mga kakabaihan doon na matikman ang kanilang ice cream… at higit pa.

Sa pinakamainit na araw ng summer, magkakaroon ng blackout sa subdivision. Darating sina Junebert at Monch dala ang kanilang sorbetes. Kukunin ng mga kababaihan ang pagkakataong ito para magsalitan na gamitin sina Junebert at Monch para sa kanilang mga lihim na pantasya. 

Paiinitin nina Christy Imperial, Yda Manzano, Jem Milton, Candy Veloso ang summer sa pagganap nila bilang mga kababaihan ng subdivision. Huwag palampasin ang ultimate guilty pleasure na ito sa Dirty Ice Cream.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …