Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina.

Nag-birthday kasi siya kamakailan at sa halip na isang bongga na birthday party ang idaos, mas pinili niya na mag-celebrate kasama ang mga lolo at lola, mga nanay at tatay ng Home of the Abandoned Elderly sa Rodriguez, Rizal.

Noong April 23 ay isang birthday thanksgiving ang idinaos bilang pasasalamat ni Noreen sa mga blessing sa isa na namang mabiyayang taon ng kanilang buhay ng mister niyang si Juncynth Divina at ng kanilang buong pamilya.

Super-happy ang mga senior citizen sa naturang establishment dahil na-pamper sa isang buong araw ng libreng manicure, pedicure, haircut at massage ng mga staff ng Nailandia.

Nagkaroon din ng free entertainment (song & dance) mula sa mga Artist Circle artists na sina Prince KeinoKiko, Jess Martinez sa pangunguna na manager nilang si Rams David na very close sa mag-asawang Noreen at Juncynth.

Dumalo rin sa event ang mahusay na character actress na si Shyr Valdez at Sparkle artist Elijah Alejo.

Namigay din sina Noreen ng free medicines at siyempre pagkain para sa mga elder, staff, at artists.

Ayon kay Noreen, “Gagawin ko na po ito yearly, bilang thanksgiving! Magdyu- join na rin daw po sina Rams and Shyr, praying mas dadami pa po ang mag-join sa atin.”

Happy birthday, Noreen! Mabuhay ka at mabuhay ang Nailandia Body Spa and Nail Salon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …