Wednesday , May 14 2025
PNP Donate Pilipinas

PNP nakipagtulungan sa Donate Pilipinas

NAGSAGAWA ng Community Outreach Program ang Donate Philippines sa pangunguna ni Myrna Reyes sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni P/General Rommel Francisco D. Marbil, Chief PNP sa Sitio San Martin, Brgy. Sto Nino, Bamban, Tarlac nitong 28 Abril 2024.

Ang nasabing aktibidad ay isang collaborative effort ng Directorate for Police Community Relations na pinamumunuan ni P/MGeneral Edgar Allan Okubo, TDPCR; Police Regional Office 3 sa pamumuno ni P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., RD, PRO3; Regional Medical and Dental Unit 3 sa pamumuno ni P/Colonel Jesus Ostrea III; Tarlac Police Provincial Office sa pamumuno ni P/Colonel Miguel M. Guzman, PD, Tarlac PPO; Bamban Municipal Police Station sa pamumuno ni P/Major Jessie James Domingo; Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa pamumuno ni Hon. Susan Yap, Gobernador, Lalawigan ng Tarlac; LGU ng Bamban sa pamumuno ni Mayor Alice L. Guo; Engr. Lovercain De Jesus; SAF, RCEU 3, HPG at iba pa.

Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ay medical, dental/tooth extraction, oplan tuli, libreng bitamina at gamot, feeding program, libreng tsinelas, at libreng grocery packs para sa mga kababayan sa Sto. Niño at iba pang kalapit na barangay. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …