COOL JOE!
ni Joe Barrameda
PUMIRMA kamakailan ang Advance Media Broadcasting System (AMBS) in partnership sa ABS-CBN Corporation para maghatid ng mga entertainment program at mga makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free to air channel na AllTV.
Sina Sen Manny Villar na may-ari ng AMBS kasama si Congresswoman Camille Villar at mga kapatid and dumalo sa contract signing at sina Mark Lopez,Chairman ng ABS-CBN, CEO Leo Katigbak, Chief Operating Officer at iba ang sa side ng ABS CBN.
Dapat magpasalamat si Gabby Lopez na kahit nawalan sila ng prangkisa ay pumasok sa kanila ang AMBS na tiyak magsasalba sa kanila. Nasa mabuting kamay at pamamalakad sila sa iniwang network at very active pa rin sila. Kaya isa sa mapapanood dito ang TV Patrol. Ang maganda Channel 2 pa rin sila na nakuha ng Villar group.